Nang si Abraham ay 100 na, at sf Sarah ay 90. finupad ng Diyos ang kanyang pangako. Nagkaanak sila ng sanggol na lalaki na nagngangalang Isaac.
Nang malaki na si Isaac, ang pananampalataya ni Abraham ay sinubok ng Diyos. Sabi Niya, "dalhin mo si Isaac sa bundok na ipakikita ko sa iyo papatayin mo siya doon at ihahandog mo siya bilang isang hain" Pero tandaan mo nangako ang Diyos na ang mga anak ni Abraham ay titira sa Canaan Papaano mangyayari ito kung si Isaac ay mamatay Hindi ito maintindihan ni Abraham pero sumunod pa rin siya sa Diyos.
Pagdating sa bundok. itinali ni Abraham si Isaac at inilagay ito sa altar na kanyang inayo. Nang sandaling papatayin na niya si Isaac. sumigaw ang anghel ng Diyos. "Abraham, huwag mong saktan ang bata. Alam ko na ngayon na ikaw ay may pananampalataya sa akin kasi hindi mo ikinait sa akin ang iyong kaisa-isang anak.
Kay laki ang pananampalataya ni Abraham sa Diyos! Naniwala siya na kayang buhayin ng Diyos si Isaac mula sa patay. Pero hindi talaga gusto ng Diyos na mamatay si Isaac. Kaya isang tupa ang pinabayaan ng Diyos na maipit sa sanga ng kalapit na puno at sinabi Niya kay Abragham na ito ang ihain na kahalili ng anak niya.
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino-sino ang mag-asawa sa kuwento?
2. Ilang taong gulang sila nang sila'y magkaanak?
3. Ano ang pangako ng Diyos kina Abraham at Sarah?
4. Ano ang ipinangalan sa kanilang kaisa-isang anak ?
5. Nang malaki na si Isaac saan siya dinala ?
6. Bakit siya dinala sa bundok?
7. Bakit sumigaw ang anghel?
8. Paano sinubok ng Diyos ang pananampalataya ni Abraham?
9. Bakit malaki ang paniniwala ni Abraham na papatayin ang kaniyang kaisa-isang anak?
10. Sa ano-anong paraan mo gustong tularan ang pananampalataya ni Abraham?
pasagot po need ko na po ipapas napo kasi bukas!!
☛ʀᴇᴘᴏʀᴛ☚
• Rude Answer=ʀᴇᴘᴏʀᴛ
• Wrong Answer=ʀᴇᴘᴏʀᴛ
• ɴᴏɴsᴇɴse=ʀᴇᴘᴏʀᴛ
• ᴄᴏᴘɪᴇᴅ=ʀᴇᴘᴏʀᴛ
• ɪɴᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇ=ʀᴇᴘᴏʀᴛ
➽ʙʀᴀɪɴʟɪᴇsᴛ➽
• Perfect Answer=ʙʀᴀɪɴʟɪᴇsᴛ
• ᴄᴏʀʀᴇᴄᴛ Answer =ʙʀᴀɪɴʟɪᴇsᴛ
• ᴄᴏᴍᴘlᴇte Answer=ʙʀᴀɪɴʟɪᴇsᴛ
Share
Verified answer
Answer:
1.Si Abraham at Sarah ang mag-asawa.
2.Nang si Abraham ay 100 na at si Sarah ay 90 na.
3.Bibigyan sila ng anak.
4.Pinangalan itong Isaac.
5.Idadala sya sa bundok na ituturo ng Diyos.
6.Ihahandog sya sa Diyos bilang hain.
7.Para sabihin kay Abraham na wag saktan ang bata.
8.Isinubok nya ito sa pamamagitan ng pagsakripisyo ng iisang anak para sa Diyos.
9.Naniniwala sya na kaya buhayin ng Diyos si Isaac mula sa pagkamatay.
10.Lagi ako magdadasal at magbabasa ng Bibliya para lumakas pananampalataya ko upang mas makilala ko pa ang Diyos.
Explanation:
Pa brainliest po
2. Si abraham ay 100 at si Sarah ay 90
3. Nangako ang Diyos na ang mga anak ni abraham ay titira sa Canaan.
4. Isaac
5. Dinala siya sa isang bundok
6. Dinala siya sa bundok upang patayin
7. Sumigaw po ang anghel para po hindi tuluyang mapatay niya ang kaniyang anak dahil isa lang palang pagsubok iyon ng Diyos para kay Abraham.
8. Pinadala ng Diyos si Isaac sa isang bundok upang patayin ni Abraham.
9. Dahil ang kaniyang Diyos sa isinasamba ang mapanibughuing Diyos, kaya hindi niya ikinait ang kaniyang kaisa isang anak.
10. Magtitiwala lang po tayo sa Diyos dahil kailan man ay hindi niya tayong bibiguin, magtiwala lang tayo ng magtiwala sa kaniya dahil mahal niya tayong lahat. Kaya sumunod tayo sa kaniya tulad ng ginawa ni Ambraham
Gobless po, and don’t forget to pray and read your Bible everyday. And magtrust lang po tayo kay Lord at palalimin pa po natin ang faith natin kay Lord Jesus. Salamat po Gobless