Nanghihikayat
alamat (F7PS-II-d-8)
na pahalagahan ang aral na nakapaloob sa binasang
Tanging kabutihan ng kanilang mga anak ang hangad ng sinumang
magulang. Ang paggalang at pagsunod naman sa payo at utos ng magulang
ay paraan ng pagpapakita ng ating pagmamahal at pagpapahalaga sa
kanila. Hikayatin mo ang ibang kabataang tulad mo upang pahalagahan
kanilang magulang. Isulat mo ang sa tingin mo ay nararapat gawin ng
isang kabataan para sa bawat sitwasyon.
1. Sabado ng gabi, abala ka sa panonood ng telebisyon habang nagla-
laro ng iyong paboritong video game sa iyong tablet nang tawagin ka
ng iyong nanay upang tumulong sa paghahanda ng mesang kainan.
Ang nararapat gawin ng isang anak sa pagkakataong tulad nito ay
ang
2. Kahit hindi ka pa nakapagpapaalam sa iyong magulang ay nangako
ka na sa iyong kaklaseng sasama sa sleepover sa kanilang bahay para
ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Nang magsabi ka sa iyong
magulang ay hindi ka nila pinayagan dahil naniniwala silang hindi
ligtas para sa isang kabataang tulad mo ang makitulog sa ibang
bahay. Ang dapat gawin ng isang anak sa sitwasyong tulad nito ay
Share
Answer:
1. ITITIGIL KO MUNA ANG PANONOOD SA AMING TELEBISYON AT PAGLALARO NANG AKING PABORITONG VIDEO GAME SA TABLET UPANG TULUNGAN ANG AKING NANAY SA PAGHAHANDA NG AMING MESA.
2. KAKAUSAPIN KO NG MAAYOS ANG AKING KAKLASE NA HINDI AKO MAKAKADALO SA KANIYANG SLEEP OVER MARAHIL AY HINDI AKO PINAYAGAN NG AKING MGA MAGULANG NA MAKITULOG SA IBANG BAHAY AT SASABIHIN NA SANA AY MAUNAWAAN NIYA AKO SA AKING MGA SINABI AT SASABIHIN KO NA BABAWI NALANG AKO SA SUSUNOD.
Explanation:
(⌐■-■)