Naniniwala ka ba na ang lahat na naibigay na pahayag ay
nagpapakita ng walang pagmamahal sa bayan? Oo o hindi,
Ipaliwanag
• Ang hindi pagtangkilik, pagbili at paggamit ng sariling produkto ng
bansa
• Hindi paglalagay sa kamay sa dibdib at hindi pag-awit ng Lupang Hinirang
• Hindi pagboto, pangingibang bansa para magtrabaho
Share
Kawalan ng Pagmamahal
sa Bayan
1. Ang hindi pagtangkilik, pagbili at paggamit ng sariling produkto ng bansa.
• Ang pahayag ay nagpapakita ng kawalan ng pagmamahal sa bayan. Ito ay dahil ang hindi pagtangkilik sa mga produkto ng bansa ay nagpapahiwatig na hindi mo ipinagmamalaki ang mga Gawang-Pinoy, at sa halip ay mas nanaisin pang bumili ng mga produkto na galing sa ibang bansa. (tinatawag itong colonial mentality)
—————————————————————
2. Hindi paglalagay ng kamay sa dibdib at hindi pag-awit ng Lupang Hinirang.
• Ang hindi paglalagay ng kamay sa dibdib at hindi pag-awit ng Lupang Hinirang ay nagpapakita ng kawalan ng respeto sa pambansang awit. Ang pahayag ay nagpapakita ng kawalan ng pagmamahal sa bayan.
—————————————————————
3. Hindi pagboto, pangingibang bansa para magtrabaho.
• Ang hindi pagboto ay nagpapakita ng kawalan ng pagmamahal sa bayan. Ito ay importante dahil ang kinabukasan ng ating bansa ay nakasalalay sa mga nahahalal. Habang ang pagtatrabaho sa ibang bansa naman ay kadalasang ginagawa ng mga Pilipino dahil mas malaki ang perang kanilang natatanggap doon kaysa sa kanilang bansa, ang pera ay maaaring gagamitin sa pagpapa-aral ng anak at iba pang pangangailangan, ngunit hindi agad masasabi na ang isang Pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa ay hindi mahal ang kaniyang bayan.
// #CarryOnLearning