Narito ang pamantayan sa pagkakabuo ng tula. Ang tula na gagawin ay dapat na orihinal
na gawa, gumamit ng mga naaangkop na mga salita at may tunay na damdamin na
mababanaag dito.help Po pls yung gagawin na tula Po eh pakilagyan ng pamagat o tittle
Share
Answer:
KALUPI NG PUSO
Talaan ng aking mga dinaramdam,
Kasangguning lihim ng nais tandaan,
bawat dahon niya ay kinalalagyan
ng isang gunitang pagkamahal-mahal
Kaluping maliit sa tapat ng puso
ang bawat talata’y puno ng pagsuyo,
ang takip ay bughaw, dito nakatago
ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.
Nang buwan ng Mayo kami nagkilala
at tila Mayo rin nang magkalayo na;
sa kaluping ito nababasa-basa
ang lahat ng aking mga alaala.
Nakatala rito ang buwan at araw
ng aking ligaya at kapighatian…
isang dapithapo’y nagugunam-gunam
sa mga mata ko ang luha’y umapaw…
Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot
binabasa-basa ang nagdaang lugod;
ang alaala ko’y dito nagagamot,
sa munting kaluping puno ng himutok.
Answer: