Nitong linggo nga ay naging mainit ang usapin patungkol sa gagawing pagbubukas ng klase sa Agosto. Umani ng samu’t saring reaksyon at opinyon ang mga pahayag ni Pangulong Duterte noong lunes matapos niyang sabihing hindi siya pabor rito at kailangang unahin muna raw ang bakuna bago ibalik ang klase.
Dahil sa pandemya, isa na nga ang sektor ng edukasyon sa tuluyang naapektuhan. “Online Classes,” ang nakikitang paraan ng gobyerno bilang alternatibo upang matuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante na hindi na kinakailangang pumasok sa mga paaralan.
Bilang bahagi ng tinawatawag na ‘new normal’ sa sistema ng edukasyon sa bansa, ang online education ang nakikitang daan para maipagpatuloy ang taong panunuran sa darating na pasukan.
Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit mainam na gawin ang online classes sa bansa:
PAGYAKAP SA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA
Sinasabing ang online education ang magiging daan upang matuto ang mga kabataan sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Magkakaroon sila ng oras upang tuklasin ang ilan sa mga bagong paraan ng pag-aaral. Sa hakbang ding ito, mas makakasabay na ang karamihan sa pagtanggap ng makabagong paraan ng tungo sa paglinang at pagkatuto ng mga kabataan sa bansa.
MABILIS NA PROSESO AT SISTEMA
Sa paraang ito hindi na kinakailangang ng mga kung anu-ano pang mga kagamitan, basta’t may koneksyon ka lamang sa internet ay maaari ka nang makibahagi sa talakayan sa mas mabilis na paraan
MATIPID SA ORAS AT PERA
Hindi na kinakailangan ng mga mag-aaral na pumunta sa kani-kanilang paaralan. Sa online education mas makakatipid ng oras ang mga kabataan dahil hindi na nila kinakailangan gumastos ng pamasahe papasok at siguradong makakabawas sa gastos. Sa pananaw na ito, marami ang mas makakatipid habang patuloy na natututo.
TANONG
ayon sa sanaysay na ito, anu-ano ang mga dahilan kung bakit mainam na gawain ang online classes sa bansa?
Share
Answer:
para maiwasan ang pag hawa hawa ng sakit
Explanation:
points lang
Answer:
Pagyakap sa makabagong teknolohiya.
Mabilis na proseso at sistema.
Matipid sa oras at pera.
Explanation:
Sa totoo lang mas okay ang modular kaisa sa online class. Pero nasa tao parin kasi yun kung saan siya mapapadali.