noong agosto 23, 1896 nagtipon-tipon Ang mga katipunero sa pugadlawin at sabay sabay nilang pinunit Ang kanilang mga sedula at kanilang isinagawa ang
Share
noong agosto 23, 1896 nagtipon-tipon Ang mga katipunero sa pugadlawin at sabay sabay nilang pinunit Ang kanilang mga sedula at kanilang isinagawa ang
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang sabay sabay na isinigaw ng mga katipunero pagkatapos nilang punitin ang kanilang mga sedula ay "Mabuhay ang Pilipinas!", "Mabuhay ang Katipunan!".
Pitong taon pagkatapos matuklasan ng mga Kastila ang Katipunan, pinunit ni Bonifacio kasama ng mga katipunero ang kanilang mga sedula sa Sigaw sa Pugad Lawin. Ito ay sumisimbolo ng kanilang paghihimagsik laban sa mga Espanyol.
Ano ang KKK?
Ang ibig sabihin ng KKK ay Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Ito ay mas kilala bilang Katipunan o KKK. Samahan ito ng mga naghimagsik sa mga Kastila sa Pilipinas na pinamumunuan ni Andres Bonifacio. Itinatag ito noong Hulyo 7, 1892 sa may Kalye Azcarraga malapit sa Kalye Elcano sa Tondo na ngayo’y kilala na Abenida Claro M. Recto.
Naitatag ito matapos maipatapon si Jose Rizal na isa sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung saan miyembro rin si Andres Bonifacio.
Katipunero ang tawag sa mga kasapi sa Katipunan o KKK.
Dumadaan sa isang seremonya ang mga nais sumapi sa samahang ito upang maging ganap na katipunero. Mga lalake ang karaniwang kasapi dito ngunit noong katagalan tumanggap na din sila ng mga babae na kasapi.
Si Gregoria de Jesus asawa ni Bonifacio ang unang babae na naging kasapi ng Katipunan na tinawag na Lakambini ng Katipunan. Noong una ay dalawampu’t siyam na kababaihan ang pinasapi sa samahan na kalaunan ay nadagdagan at tinatayang 50 kababaihan ang sumapi sa Katipunan.
Tinatawag na Kalayaan ang sariling pahayagan ng Katipunan na nagkaroon lamang ng una at huling paglilimbag noong Marso 1896.
Apat na layunin ang Katipunan:
1. Makapagbuo ng matatag na alyansa sa bawat Katipunero;
2. Mapagkaisa ang mga Pilipino sa pagiging isang matatag na bansa;
3. Makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang armadong pakikipaglaban (o rebolusyon);
4. Makapagtatag ng isang republika matapos ang kasarinlan.
Sanggunian ng Katipunan
Kataastaasang Pangulo
Deodato Arellano
Roman Basa
Andres Bonifacio
Tagasiyasat/Tagapamagitan
Andres Bonifacio
Tagausig
Ladislao Diwa
Andres Bonifacio
Emilio Jacinto
Pio Valenzuela
Kalihim ng Estado
Teodoro Plata
Jose Turiano Santiago
Emilio Jacinto
Kalihim ng Digmaan
Teodoro Plata
Kalihim ng Hukuman
Briccio Pantas
Kalihim ng Interyor
Aguedo del Rosario
Kalihim ng Pananalapi
Enrique Pacheco
Tagaingat-yaman
Valentin Diaz
Vicente Molina
Dahil sa samahang ito umusbong ang mga kaisipan at gawaing rebolusyonayo at pinayaman naman ang literature ng Pilipinas ng ilang mga tanyag na kasapi ng Katipunan.
Nabunyag ang samahan sa mga Kastila noong umamin si Teodoro Patino na isang kasapi ng Katipunan sa kanyang kapatid at sa madreng pinuno ng Ampunang Mandaluyong. Lumipas ang pitong taon ng matuklasan ng mga Kastila ang samahang Katipunan, pinunit ni Andres Bonifacio at ang kanyang mga tauhan ang kanilang mga cedula sa Sigaw sa Pugadlawin at naging simula ng Himagsikang Pilipino laban sa Imperyong Kastila upang makamit ang kasarinlan.
Explanation: