Sa komiks na ito, matutunghayan natin ang pag-uusap nila tatay at ng kanyang tinedyer na anak na si pablo. magbabahagi si tatay tungkol sa kanyang araw at ng kanyang nararamdaman kay pablo.
Pakikipag-usap tungkol sa damdamim at pangangasiwa ng stress komiks2
Kakauwi lang ni tatay galing trabaho...
Biglang Dumating si pablo.
Pablo - Tay, bakit po ganyan ang mukha ninyo? May problema po ba?
Tatay - Halika, anak. Maupo ka rito. Masama ang loob ko kasi nasesante ako sa trabaho.
Pablo - Totoo, Tay? Paano po tayo ngayon? Mukhang hindi ko po mabibili 'yung para sa project ko sa online class ko.
Tatay - Magagawan natin ng paraan yan, Anak! Maghahanap ako ng dedelehensyahan. Sa ngayon, pagkakasyahin natin ang sahod ng Nanay mo.
Tatay - Salamat sa pakikinig, Anak. Tara,magwalis muna tayo ng bakuran para malibang kahit sandali.
Pagnilayan natin ang mga tanong tungkol sa eksena. Maganda ring pag- usapan ito kasama ang asawa at/o mga anak.
1. Paano sinabi ni Tatay kay Pablo ang kanyang pagkawala ng trabaho?
2. Paano nagpakita si Tatay ng halimbawa ng pagbabahagi ng kanyang damdamin?
3. Ano ang ginawa ni Tatay para mapanatag ang loob ni Pablo?
patulong po i need true answer
Share
Verified answer
Answer:
1.Sinabi ni tatay kay Pablo ang kanyang pagkawala ng trabaho sa maayos at mahinahon na pamamaraan
2.Nagpakita si tatay ng halimbawa ng pagbabahagi ng kanyang damdamin nang sinabi nya kay Pablo na masama ang kanyang loob dahil nasesante siya sa kanyang trabaho
3.Sinabi ni tatay kay Pablo na magagawan nila iyon ng paraan at mag hahanap sya ng madedelehensyahan