I highly need help in this. Need na po tomorrow.
PAGSASANAY 2
PANUTO: Ilahad mo ang pangunahing paksa at ideya ng mga usapan ng mga tauhan sa binasa at/o napanood na mulamat.
1. "Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong magmamataas kay Utgard- Loki," sabi ni Skrymir kay Thor. Pangunahing Paksa at Ideya:
2. "Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang maipagmamalaki," sabi ni Utgard-Loki kay Thor. Pangunahing Paksa at Ideya:
3. "Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka ng sinomang makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon," sabi ni Thor kay Utgard-Loki. Pangunahing Paksa at Ideya:
4. "At alam kong iniisip mo na mahina ako, at hindi ko matatanggap ito," sabi ni Thor kay Utgard-Loki. Pangunahing Paksa at Ideya:
5. "Muntik ka nang magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika," sabi ni Utgard-Loki kay Thor. Pangunahing Paksa at Ideya:
Share
Answer:
1. Pangunahing Paksa: Ang pakikipagsapalaran ni Thor sa kaharian ni Utgard-Loki.
Ideya: Ang babala ni Skrymir kay Thor na huwag magmamataas kay Utgard-Loki dahil ito ay isang makapangyarihang diyos.
2. Pangunahing Paksa: Ang pagtanggi ni Utgard-Loki na manatili si Thor sa kanyang kaharian.
Ideya: Ang pagpapakita ni Utgard-Loki ng kanyang kapangyarihan sa pagpapalayas kay Thor at sa kanyang mga kasama.
3. Pangunahing Paksa: Ang laban ni Thor sa kanyang kapanalig sa kaharian ni Utgard-Loki.
Ideya: Ang pagpapakita ni Thor ng kanyang tapang at determinasyon sa pagharap sa anumang hamon o laban.
4. Pangunahing Paksa: Ang pagtanggap ni Thor sa kanyang kakayahan at kahinaan.
Ideya: Ang pagpapakita ni Thor ng kanyang kahinaan ngunit hindi niya ito tinanggap at pinatunayan niya ang kanyang lakas at tapang.
5. Pangunahing Paksa: Ang pag-amin ni Utgard-Loki na siya ay gumamit ng mahika upang malinlang si Thor.
Ideya: Ang pagpapakita ni Utgard-Loki ng kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng mahika at ang pagpapakita niya ng kanyang talino sa pamumuno ng kanyang kaharian.
Explanation:
sana makahelp