Oh my Gulay, Suplay!
Ni: Venn Pagaduan
Nang mag "lockdown" na sa Pampanga
Laking gulat ng ating pamilya
Lahat ay nag-aalala sa COVID-19 na pandemiya
Paano na ang buhay?
Kung tatambay sa bahay?
Ang aming mga kapitbahay
Sa ayuda kay Mayor, kumaway.
Nagtanim na kami ng gulay
Para pagkain ay may suplay.
Walang trabaho sila Tatay
Sa gawaing bahay, kami ay umalalay
Napasaya naman si Nanay
Kumpleto kami sa bahay.
Pantulong na tanong:
1. Tungkol saan ang tulang iyong nabasa?
2. Paano natugunan ang mga pangangailangan ng pamilya?
3. Naging sapat ba ang tulong mula sa mayor? Paano tinugunan ng pamilya ang
kakulangan sa suplay ng pagkain?
Share
Answer:
1.Lockdown
2.tumutulong sa magulang
3.hindi,dahil maaring hindi ito aabot ng isang buwan