Gumawa ng essay hinggil sa salawikain na— "Ang taong nagigipit kahit sa patalim kumakapit."
[Please provide atleast 10 sentences. Short, copied and/or unhelpful anwers will be deleted. I really just need ideas and other people's opinions about this TT-TT]
Share
Verified answer
SALAWIKAIN
"Ang taong nagigipit kahit sa patalim kumakapit."
KASAGUTAN
Tayong mga tao ay dumadaan sa mga sitwasyon na hindi inaasahan kung saan tayo ay nagigipit at nawawalan ng pagpipilian upang matakasan ang suliraning ating kinakaharap. Ang salawikain na ito ay sumasalamin sa mga ganoong sitwasyong nararanasan ng karamihan. Kapag ang isang tao ay napasailalim ng mga ganoong sitwasyon, siya ay mapipilitang gumawa ng mga hindi kaaya-ayang bagay. Ito ay hindi dahil kanilang gusto itong gawin, kundi dahil wala na silang pagpipilian at talagang naiipit na sila sa ganoong sitwasyon.
Narito ang ilan sa mga sitwasyong maihahalintulad sa salawikaing naturan:
Isang lalaking walang mahanap na trabaho sa gitna ng pandemyang kasalukuyang nararanasan kung kaya't napilitan siyang pumayag sa alok ng kanyang kaibigang looban ang kanilang kapit-bahay.
Isang estudyanteng nangangailangan ng gadget upang makapasok sa online classes ngunit hirap makalipon ng pera kung kaya't pumayag sa kagustuhan ng pinsan na magbènta ng ipinagbabawal na droga.
Minsan hindi talaga naiiwasan ang mga ganitong pangyayari sa buhay ng tao. Kung saan naglalaban ang kagustuhan nating makamit ang nais natin laban sa likas na batas moral na umiiral sa ating mga sariling nagsasabi kung ano ba ang tama sa mali. Sa ganitong sitwasyon, depende na sa prinsipyo ng tao sa buhay ang magiging desisyon niya tungkol sa sitwasyong ganoong kinabibilangan niya. Kung mas lalamang ang kagustuhan niyang makamit ang naisa ay tiyak na makagagawa nga siya ng bagay na hindi dapat, ngunit kung makakayanan niyang kontrolin ang sarili at mag-isip ng paraan upang malagpasan ang ganoong sitwasyon ay tiyak na mananatiling nasa tama ang kanyang gagawin.
Sana'y nakatulong ito sa'yo!!