pa answer please nito
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Unang Tanong: Ano ang sanhi ng pagkakaroon natin ng Modular Distance Learning?
Sagot: Ang naging sanhi ng pagkakaroon ng Modular Distance Learning ay sa pagkakaroon ng pandemiya sa buong mundo. Nagkaroon ito ng pagbabago sa buhay ng mga estudyante at hindi akalain na hahantong sa ganitong uri ng sitwasyon. At dahil sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 cases, minabuti na ipagpatuloy ang edukasyon sa loob mismo ng bahay para maingatan ang sarili.
Ikalawang Tanong: Bilang isang mag-aaral, ano ang naging nito sa buhay mo?
Sagot: Naging mahirap ito para sa akin sapagkat hindi ito ang pag-aaral na nakasanayan ko. Dumating sa punto na sarili mo lang ang aasahan mo dahil wala naman ibang magtuturo sa akin. Nakinabang naman ako kasi mas natutuhan ko na mag-iisip at ipahayag ang nadarama ko sa aking pag-aaral. Pero may halong lungkot ang nadarama dahil naiisip ko na nag-iisa lang ako at wala akong kasama. Malaki rin ang naitulong ng Modular Distance Learning sa buhay ko na kahit nasa loob lang ako ng bahay nagpapatuloy parin ang pagkuha ko ng kaalaman.
Paliwanag:
Sa kabila ng mga dinaranas natin sa panahon ng pandemiya, nagkaroon parin ng paraan na ipagpatuloy ang ating pag-aaral. Isang malaking pagpapala ito sa atin na makakuha ng kaalaman kahit sariling sikap ang pagsasagot. Maituturing kong mahalagang bagay ito ng buhay sapagkat daan ito tungo sa magandang kinabukasan at makamtan ang tunguhin ko. Kaya kahit mahirap ang Modular Distance Learning, sinisikap ko parin ang buo kong makakaya upang mapagtagumpayan ito at matuto ng higit.
Pahalagahan ang anumang edukasyon na natatanggap mo ngayon. Para rin ito sa ating buhay, magsikap at magtiyaga lang.
Tingnan pa ang link na ito para makapagbasa ng karagdagang impormasyon may kaugnayan sa paksa:
Ang kahalagahan ng pagkuha ng edukasyon: brainly.ph/question/4423422
Ang kahulugan at kahalagahan ng edukasyon: brainly.ph/question/2093013
Ang kahalagahan ng edukasyon sa mga kabataan ngayon: brainly.ph/question/2500018
Hope is Help!
✨ CarryOnLearning