pa answer po ng maayos pls lang
Gawain 3: “TUKLAS TALINO" Panuto: Magbigay ng sariling pakahulugan sa mga salitang nasa loob ng kahon. Gwain ito sa iyong kuwadernong pang aktibiti. Mga Pilosopiya sa Asya
Taoismo Confucianismo Legalismo
Share
pa answer po ng maayos pls lang
Gawain 3: “TUKLAS TALINO" Panuto: Magbigay ng sariling pakahulugan sa mga salitang nasa loob ng kahon. Gwain ito sa iyong kuwadernong pang aktibiti. Mga Pilosopiya sa Asya
Taoismo Confucianismo Legalismo
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Answer:
Mga Pilosopiya sa
Asya
Taoismo
Ang Taoismo, mula sa Tsinong Dàojiào 道教 (binibigkas tungkol sa tunog na ito dào (tulong·impormasyon) tungkol sa tunog na ito jiào (tulong·impormasyon)), ay tumutukoy sa iba't ibang magkakaugnay na pangpilosopiya at pangrelihiyon na mga dalawang libong taon at lumaganap sa Kanluran.[1] Nangangahulugan ang salitang 道, Tào (o Dào, depende sa iskima ng romanisasyon) bilang "landas" o "daan," bagaman may mga ibang basal na kahulugan ito sa ibang pambayang relihiyong Tsino at pilosopiya. Binibigyan din ng kagandahang-asal at etika ng Taoismo ang Tatlong Hiyas ng Dào: pagkahabag, patitimpi, at kababaang-loob. Pangkalahatang nakatuon ang kaisipang Taoista sa kalikasan, kaisahan ng mga tao-kosmos (天人相应), kalusugan, mahabang buhay, wú wéi (aksiyon sa pamamagitan ng walang aksiyon), kalayaan, kawalang-kamatayan at pagkakusang-loob.
Confucianismo
Ang Confucianismo[1] (Ingles: Confucianism; Tsino: 儒家; pinyin: rú jiā) ay isang sinaunang sistemang pang-etika at pampilosipiyang Tsino na unang pinaunlad mula sa mga turo ni Confucius, isang sinauang paham at pilosopong Tsino. Itinuturo nito ang tao ay sadyang itinulak ng tadhana upang makisalamuha sa kapwa tao sa lipunan. Kaya ang mga abnormal lamang at ang hindi "natural" na tao ang namumuhay sa labas ng mga pamayanan. Ang pakikisalamuha sa kapwa tao ang pinakamahalaga upang mabuhay sapagkat sa lipunan lamang malalaman ng tao sa lipunan ay tinatawag na "jen". Ipinaliwanag ang salitang ito bilang "pagiging mabuti at mapagbigay sa nangangailangan", "simpatya", "pusong makatao" at "makatuwid na kaugalian".[2]
Legalismo
Ang legalismo ay may ibig sabihing “paaralan ng batas” o pilosopiya na nagbibigay-diin sa mga batas at tuntunin na pinaiiral ng mga may kapangyarihan bilang pamantayan ng kilos ng tao. Nagmula ito sa pangunahing akda ng mga Legalista tulad ng The book of Lord Shang, Hand Fei-tzu at ang Kuan Tzu. Ito ang kauna-unahang pilosopiya na naging opisyal na ideolohiya ng bansa. Naniniwala ang Legalismo na tungkulin ng pinuno na tumayong nag-iisa at may lubos na kapangyarihan sa kanyang nasasakupan. Siya ang batas at siya rin ang awtoridad. Ang pamantayan ng tama at mali. Naniniwala ang mga Legalista na "may higit sa isang pamamaraan ng pagpapalakad sa daidig at hindi na kailangang gayahin ang lumang nakaraan upang mapamahalaan nang maayos ang Estado". Batay dito, ang isang malaki at mahusay na pamahalaan ay susi sa pagpapanatili ng kaayusan. Ito ay isa sa kanilang mga prinsipyo: "Ang pinuno ay namamahala at ang tao ay sumusunod." Ayon pa dito, kailangang magbigay ng pabuya ang pamahalaan sa masunuring mamamayan at marahas na parusa naman sa mga sumasaway. Higit na nakatataas ang tingin ng mga Legalista sa batas kaysa mabuting asal, moralidad o ritwal. Ang mahalagang salik na magpapanatili sa isang organisasyon ay ang fa o batas: shih o awtoridad, posisyon at kapangyarihan at ang shu o ang pamamaraan ng gobyerno.
Explanation:
Share ko lang answer ng iba