pa help Po dito pls ty po
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Trip to Caleruega Church
Ang Caleruega Church ay isa sa mga sikat na simbahan at pasyalan na napakaganda nga namang puntahan,tingnan at lakbayan na may malaking lugar na tila hahapuin ka sa dami ng iba't ibang disenyo nito na matatagpuan sa Pilipinas
Pagpasok mo pa lamang ay sasalubong sayo ang simple at napakagandang tanawin na binubuo ng napakalawak na taniman ng iba't ibang tanim na gulay pati na rin ang prutas. Mga ilang segundo lamang,makikita mo na ang tagpo ng simbahang nabanggit na bubungad sayo na tila kaygandang pagmasdan.
Mapapahinto ka sa pagpasok mo dahil bubungad sayo ang napakagandang hardin na puno ng mga makukulay at matitingkad na mga bulaklak. Magagalang ang mga tao rito at may magagandang kalooban.
Sa pagpasok ng simbahan, bubungad sayo ang malaki at magandang altar na tila kayang pagmasdan ng ilang minuto.
Sa tabi ng simbahan, makikita mo ang hagdan pababa patungo sa nasabing pasyalan na babagay sa disenyo ng simbahan. Habang naglalakbay pababa sa hagdan,makikita mo ang iba't ibang istatwa at pati na rin ang mga halaman at bulaklak na gugustuhin mong kuhanan ng litrato.
Habang ikaw ay papalayo,hindi ka maiinip dahil talaga nga namang napakaganda ng lugar at may mabibili ka rin ditong iba't ibang souvenir na puwede mong iuwi at gawing palamuti sa iyong tahanan.
Ako't nasiyahan at humanga sa ganda na tila pantasya na simbahan.