pa help po kabayan please!
1. kahulugan ng sisa
2. kahulugan itim na tupa
3. kahulugan ng pananalasa ng malakas na bagyo
4. kahulugan ng pagkakaroon ng baga sa uling
5. kahulugan ng payapang alon sa karagatan
6. kahulugan ng pagsikat ng araw
7. kahulugan ng paglubog ng araw
8. kahulgan ng ahas
9. kahulugan ng buwaya
10. kahulugan ng pamumukadkad ng mga bulaklak o pagkakaroon ng masaganang ani.
Share
Verified answer
Answer:
Maraming mga salita na sa unang pagbabasa natin ay ang literal na kahulugan ay pumapasok sa ating isip. Pero ang ito ay ginagamit bilang mga konotasyon o pagbibigay ng pangalawang kahulugan sa mga salita.
1. Sisa
Pagsasalarawan na isang babae o ina ay wala sa katinuan. Ang konotasyong ito ay hango sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere bilang ina nina Crispin at Basilio. Noong nawala ang kanyang dalawang anak, labis naging pag aalala ni Sisa na humantong sa pagkawala ng kanyang mga anak.
2. itim na tupa
Ang paggamit ng salitang itim na tupa ay pagsasalarawan na ang isang tao ay may katangian ng pagiging pasaway, matigas ang ulo, o laging nagdadala ng problema. Sya ay naiiba sa kanyang mga kapatid o iba pang miyembro ng pamilya na may magagandang katangian.
3. pananalasa ng malakas na bagyo
Ginagamit bilang paglalahad kung gaano kalakas ang dumaan na bagyo sa isang bansa o lugar. Kapag nabanggit ang salitang pananalasa, siguradong maraming mga lugar ang binaha at mga nasirang bahay, pananim at iba pang klase ng kabuhayan.
4. pagkakaroon ng baga sa uling
Ang pagkakaroon ng baga sa uling kung sa literal na kahulugan nito ay nagsasaad na may apoy na o init ang uling na pwedeng magamit sa pagluluto. Sa konotasyon na kahulugan, ito ay pagsasabi ng pagkakaroon ng alab sa damdamin na simula ang isang gawain.
5. payapang alon sa karagatan
Ang payapang alon sa karagatan ay pagsasaad ng katahimikan. Ito ay pwedeng paghahalintulad sa isang kalagayan ng kapayapaan na bihira lamang makamtan o mangyari dahil tulad ng karagatan, palaging may mga alon o mga ingay na naririnig dito.
6. pagsikat ng araw
Ang pagsikat ng araw ay pagsaad ng bagong simula. Ito ay pagbibigay rin ng kahulugan na bagong pag asa sa isang tao na maituwid ang kanyang mga pagkakamali o tyansa upang mas maging mabuting tao.
7. paglubog ng araw
Ang paglubog ng araw ay may konotasyon na pagtatapos ng isang pangyayari o buhay ng isang tao. Maaari itong gamitin bilang malikhaing paglalahad na pumanaw na isang tao.
8. ahas
Hindi lang literal na ahas ang kahulugan ng salitang ito, maaari rin ito gamitin kung ang isang tao ay mang aagaw ng minamahal.
9. buwaya
Pati ang buwaya ay mayroong iba pang kahulugan bukod sa pagiging hayop. Ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay mangnanakaw tulad pang pagbibigay katangian sa maraming mga politiko.
10. pamumukadkad ng mga bulaklak o pagkakaroon ng masaganang ani
Ang pamumukadkad ng mga bulaklak ay may kahulugan na bagong pag asa o katagumpayan sa buhay na nakamit. Bilang isang yugto sa halaman, kapag namulaklak na ito, malapit na itong mamunga. Ganoon din sa pagkakaroon ng masaganang ani, kapag maaayos ang mga ginawa, maayos at masagana rin ang aanihin.
Explanation:
#BrainlyFast