pa help po pls brainliest kopo kayo
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
MITOLOHIYA (Mythology) - malikhaing kuwento na nauukol sa mga diyos at diyosa. Ito ay mahabang salaysay tungkol sa pinagmulan ng santinakpan ng tao, ng mga diyos at diyosa at ng mga mahiwagang nilikha, gayundin naman, tungkol sa buhay ng mga bayani ng iba’t ibang pamayanan.
ALAMAT (Legend) – isang uri ng kathang nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook at katawagan.
Kwentong-Bayan • Ito ay isang kwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino. • Karamihan sa kwentong-bayan ay tungkol sa kanilang mga diyos at espiritu na siyang nagtatakda ng kapalaran ng tao. • Ang mga kwentong bayan ay naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya at mga suliraning panlipunan ng panahong iyon.
MAIKLING KUWENTO (Short Story) - anyo ng panitikang nagsasalaysay nang tuluy-tuloy ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay