Pa help po ung letter j salamat po
Share
Pa help po ung letter j salamat po
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Nang maramdaman naming hindi kayang paglabanan ang adiksiyon, karamihan sa amin ay nawalan na ng pag-asa. Ang ilan sa aming lumaking hindi kilala ang Diyos ay naniwala na nagawa na namin ang lahat ng paraang maaaring makatutulong sa amin. Samantala, ang ilan sa aming naniniwala sa Diyos ay kumbinsidong hindi Niya kami tutulungan dahil sa aming pagsuway. Alinman dito ang sitwasyon, ang ikalawang hakbang ay nagbigay ng sagot na hindi namin kailanman naisip o kaya nama’y binalewala—ang lumapit sa Diyos at makahanap ng pag-asa sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo.
Matapos matanggap na wala na kaming magagawa, humingi kami ng tulong. Taglay ang kaunting pag-asa, sinimulan naming dumalo sa mga recovery meeting. Sa unang pagpunta namin sa mga miting, puno kami ng takot at pagdududa. Natatakot kami at maaari ding sinikal, ngunit gayunpaman, nagpunta pa rin kami. Napakinggan namin doon ang mga babae at mga lalaki na tapat na ikinukwento kung ano ang buhay nila noon, kung paano sila nagbago, at kung ano ang pakiramdam ng isang gumaling mula sa adiksiyon. Nalaman namin na karamihan ng mga naroon ay nawalan din ng pag-asa tulad namin. Ngunit ngayon ay nagtatawanan na sila, nag-uusap, nakangiti, nagpupunta sa mga miting, nananalangin, nagbabasa ng mga banal na kasulatan, at nagsusulat sa kanilang recovery journal.
Ang mga alituntuning ibinahagi at ginawa nila ay unti-unting nakatulong sa amin. Sa patuloy na pagdalo, nadama namin ang isang bagay na ilang taon nang wala sa amin—ang pag-asa. Kung may pag-asa ang iba na halos wasak na ang buhay, baka may pag-asa pa rin kami! Nagpasalamat kami nang marinig namin na kung lalapit kami sa Panginoon, “walang bisyo, walang adiksiyon, walang pagrerebelde, walang pagkakamali ang hindi mapapatawad nang ganap”
Sa lugar na ito na puno ng pananampalataya at patotoo, nakakita kami ng pag-asa at naunawaan naming na may awa at kapangyarihan ang Diyos. Nagsimula kaming maniwala na magagawa Niyang iligtas kami mula sa pagkaalipin ng pagkakalulong. Sinundan namin ang halimbawa ng mga kaibigan namin na nagpapagaling. Dumalo kami sa mga miting, nagdasal, naging aktibong muli sa Simbahan, at pinagnilayan at ipinamuhay ang mga banal na kasulatan, at nagsimulang magkaroon ng mga himala sa aming mga buhay. Naramdaman naming tinutulungan kami ng biyaya ni Jesucristo na makaiwas sa bisyo nang paunti-unti bawat araw. Sa ikalawang hakbang, handa na kaming ibalik ang tiwala sa aming sarili at ang isuko ang aming adiksiyon na may pananampalataya sa pagmamahal at kapangyarihan ni Jesucristo. Itinuloy namin ang hakbang na ito sa aming isipan at mga puso, at nadama namin ang katotohanan na dapat lamang ay espirituwal ang pundasyon ng paggaling mula sa adiksiyon.
Explanation:
Hope it Helps
pa follow ako Salamat