Pa help sa Pandiwa kung sinuman magsasagot Brainliest ko po.
Pagpili ng tamang pandiwa
Panuto: Salungguhitan ang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Pumili mula sa mga
pandiwa sa loob ng panaklong.
1. Minamasdan ni Lola ang mga apo niyang (naglaro, naglalaro, maglalaro) sa bakuran.
2. Humingi ng meryenda si Allan kaya (binigyan, binibigyan, bibigyan) ko siya ng turon.
3. Ikaw ba ang (gumuhit, gumuguhit, guguhit) ng larawang ito? Napakaganda ng gawa
mo!
4. (Nagpahinga, Nagpapahinga, Magpapahinga) ngayon si Nanay sa silid dahil sumasakit
ang ulo niya.
5. Ang tatay mo ay (tumawag, tumatawag, tatawag) bukas nang alas otso.
6. Pinulot ni Sam ang mga manggang (nahulog, nahuhulog, mahuhulog) sa ilalim ng
puno.
7. Magsisimba ako mamaya. (Sumama, Sumasama, Sasama) ba kayo sa akin?
8. (Natulog, Natutulog, Matutulog) pa ang sanggol kaya huwag kayong maingay.
9. (Nagsimula, Nagsisimula, Magsisimula) na ang sine. Hindi natin nakita ang umpisa
nito.
10. Si Tatay ang nagluluto dahil (naglaba, naglalaba, maglalaba) pa si Nanay.
11. May adobong manok at pritong manok kami. Ano ang (pinili, pinipili, pipiliin) mo?
12. Kanina ko pa hinahanap ang susi ko. (Nakita, Nakikita, Makikita) mo ba?
13. Maghanda na kayo at (binasa, binabasa, babasahin) natin ang unang kabanata.
14. Hindi na po kami gutom dahil (kumain, kumakain, kakain) na po kami ng almusal.
15. Naririnig mo ba ang taong (nagsalita, nagsasalita, magsasalita) sa entablado?
16. Ano ang (inawit, inaawit, aawitin) natin sa darating na Buwan ng Wika?
17. (Nagluto, Nagluluto, Magluluto) ng masarap na tsampurado si Lola Ester kahapon.
18. Nauunawan mo ba ang (sinabi, sinasabi, sasabihin) ko sa iyo?
19. (Nag-aral, Nag-aaral, Mag-aaral) ako nang mabuti mamayang gabi para sa pagsusulit.
20. (Nagpasalamat, Nagpapasalamant, Magpapasalamat) po kami sa lahat nang nanood
ng programa namin. Sana po ay nasiyahan kayo.
Share
2. Binigyan
3. Gumuhit
4. Nagpapahinga
5. Tatawag
6. Nahulog
7. Sasama
8. Natutulog
9. Nagsimula
10. Naglalaba
11. Pipiliin
12. Nakita
13. Babasahin
14. Kumain
15. Nagsasalita
16. Aawitin
17. Nagluto
18. Sinasabi
19. Mag-aaral
20. Nagpapaaalamat
Answer:
1.naglalaro
2.binigyan
3.gumuhit
4.nagpapahinga
5.tatawag
6.nahulog
7.sasama
8.natutulog
9.nagsimula
10.naglalaba
11.pipiliin
12.nakita
13.babasahin
14.kumain
15.nagsasalita
16.aawitin
17.nagluto
18.sinabi
19.mag aaral
20.nagpapasalamat
Explanation
sana po makatulong based po yan sa mga natatandaan ko