paano ang edukasyon noong panahon ng espanyol? Keep as simple as possible ty
Share
paano ang edukasyon noong panahon ng espanyol? Keep as simple as possible ty
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang kultural na pagbabago ng lahing
Pilipino ay batay sa relihiyon. Ang
edukasyon ay pinamahalaan ng mga
pari sa pamamagitan ng pagbubukas
ng mga paaralang parokya (paaralan
ng simbahan) na siyang naging isang
paaralang itinatag sa Cebu.
Ang pagtatag ng mga paaralan ay isang
paraan upang maitanim sa isipan ng
mag-aaral ang Kristiyanismo.
Ang paaralang primarya para sa mga
batang katutubo ay naitatag lamang
sa huling bahagi ng ikalabinsiyam na
siglo. Ang mga aralin ay nakasentro
sa relihiyon, bagamat itinuturo rin ang
kagandahang-asal, pagbasa, pagsulat,
pagbilang, musika, Doctrina Christiana, at
mga kasanayang nauukol sa pamumuhay
at pamamahay. Sinabi ni Padre
Pedro Chirino na ang mga Pilipino ay
matatalino; madali nilang natutunan ang
wikang Kastila at pagbigkas nito. Madali
rin nilang natutunan ang kahit ano.
Nagtatag din ng mataas na paaralan ang
pamahalaang Kastila upang madagdagan
ang kaalaman ng mga mag-aaral. Noong
taong 1565 dumating ang mga Agustino,
Sumunod ang mga Pransiskano
noong 1577. Dumating sa Marikina ang
mga Hesuita noong 1581. Ang mga
Dominikano naman ay dumating noong
1587 at ang mga Rekolikto noong 1606