paano ginamit ang cohestive device sa dahil dito
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Wastong Gamit ng Cohesive Device
1. Pagpapahayag ng Pagdaragdag – Halimbawa: ganoon din ,gayundin, saka, bilang karagdagan, dagdagan pa rito
Tiyak na Halimbawa: Bilang tanda ng paggalang, nagmamano tayo sa nakakatanda sa atin.Gayundin, sa ibang bansa sa Asya tulad ng Tsina at Hapon, naipapakita nila ang kanilang respeto sa nakakatanda sa pamamagitan ng pagyuko.
2. Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan – Halimbawa : maliban sa/ sa mga / kay / kina/, bukd sa / sa mga / kay / kina
Tiyak na halimbawa : Maliban kay Eric, lahat sa klase ay pinayagan na sumama sa fieldtrip.
3. Dahilan o resulta ng kaganapan o pangyayari – Halimbawa: Kaya / kaya naman / dahil, /dahil sa / sa mga / kay / kina / sapagkat / dito / bunga nito . Tiayk na halimbawa: Maraming krimen ang nagaganap na kinasasangkutan ng mga menor de-edad. Bunga nito, ipinatupad ang curfew sa mga menor de-edad.
4. Kondisyon, bunga, o kinalabasan – Halimbawa:sana / kung / kapag / sa sandaling / basta’t . Tiyak na halimbawa : Madali lang ang pagsusulit basta’t nag-aral kayo.
5. Taliwas o Salungat – Halimbawa : pero/ ngunit / sa halip / kahit (na). Tiyak na halimbawa : Mayroong pagsusulit si Daniel bukas ngunit namasyal siya ngayon sa halip na mag-aral.
6. Pagsang-ayon o di- pagsang-ayon- Halimbawa: kung gayon / kung ganoon / dahil dito / samakatwid, kung kaya
Tiyak na halimbawa: Ayon sa mga Doktor, nakasasama ang paninigarilyo sa kalusugan. Dahil dito, itinigil n ani Samuel ang paninigarilyo.
7. Pananaw – Halimbawa: ayon sa / sa mga / kay / kina / batay sa/ para sa / sa mga . Tiyak na halimbawa : Para kay Sarah, mahalaga ang panloob na katangian bilang batayan sa pagpili ng mga kaibigan.
8. Probabilidad, sapantaha, o paninindigan : Halimbawa: Maaari / puwede / marahil / siguro / sigurado. Tiyak na halimbawa : Kapag hindi ka nagsesepilyo araw-araw, maaaring masira ang iyong mga ngipin.
9. Pagbabago ng Paksa o Tagpuan- Halimbawa : gayunman / gayunpaman/ sa kabilang dako / banda / sa isang banda/ samantala. Tiyak na halimbawa : Ang panganay na Anak ni Mang Teban ay masunurin at matulungin. Samantala, ang bunso niyang anak ay matigas ang ulo at tamad.
10. Pagbibigay-linaw sa isang ideya – Halimbawa : sa madaling -salita / sabi / bilang paglinaw / kung gayon / samakatuwid. Tiyak na halimbawa: Kung walang pagkakasundo, parating may mag-aaway sa komunidad. Sa madaling slita, kailangan ng kooperasyon ng bawat isa.
Explanation: