paano ipinakita ng mga bayani ang pagmamahal sa bayan?
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Pagmamahal sa Bayan ni Jose Rizal:
Ipinakita ni Jose Rizal ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagmumulat sa mga Pilipino ng epekto ng pananakop ng mga dayuhan sa pamamagitan ng kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Hindi man tahasang sabihin ni Dr. Rizal ang kanyang marubdob na pagmamahal sa bayan ay makikita naman ito sa kanyang mga gawa. Makikita ito sa kaniyang mga isinulat at pagpapahalaga. ang ilan sa mga ito ay ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang mga nobelang ito ay naglalaman ng kanyang damdamin ukol sa kahalagahan ng edukasyon at kamalayan sa bayan. Ang mga karakter na ginamit ni Dr. Rizal ay nagpapatunay ng kanyang damdamin sa kung gaano kahalaga para sa mga Pilipino ang makapag - aral at maging aral sa mga nangyayari sa kanilang bayan.
Inalay din ni Rizal niya ang kaniyang buhay upang makamit ang kalayaan ng bansa mula sa mga mananakop. Matatandaan na siya ay pinatay sa bagumbayan sa pamamagitan ng pagbaril. Kalakip nito ay nakamit ng mga Pilipino ang kalayaan at ang mga bunga ng ginawang sakripisyo ni Rizal. Sa pagkakataong ito ay masasabi rin na naabot ng bayani ang kanyang dakilang layunin na pag - isahin ang mga Pilipino upang makamit ang kalayaang ninanais niya at nang lahat. Ang layuning makamit ang kalayaan ang isa sa kaniyang mga minimithi noon pa man. Ito ang tunay na pagmamahal sa bayan. Ang makita itong malaya.
Keywords: Jose Rizal, pagmamahal sa bayan
Explanation: