paano magiging malaya ang tao sa DISKRIMINASYON?
Share
paano magiging malaya ang tao sa DISKRIMINASYON?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Sa ilalim ng Alintuntunin, ang bawat tao ay may karapatan maging malaya sa diskriminasyon dahil sa lahi at panliligalig. Hindi ka dapat tratuhin nang naiiba dahil sa iyong lahi o ibang dahilan, tulad ng iyong mga ninuno, kulay, lugar na pinanggalingan, etnikong pinanggalingan, mamamayan, o paniniwala. Ito’y umaaplay sa mga sakop ng Alintuntunin tulad ng sa trabaho, sa eskwelahan, sa mga inuupahang pabahay, o sa mga serbisyo. Kabilang sa mga serbisyong ito ang mga lugar tulad ng mga tindahan at mga mall, mga hotel, mga ospital, mga lugar ng libangan, at mga eskwelahan.
Answer:
Ang pagkilanlan at pagtugon sa diskriminasyon dahil sa lahi
Ang mga organisasyon ay dapat kumilos upang siguraduhin na hindi sila lumalahok, hindi nila tinatanggap o pinahihintulutan na mangyari ang diskriminasyon o panliligalig dahil sa lahi.
Mabuting mag-umpisa sa pagbubuo ng isang matatag na programa laban sa kapootang lahi, na makakatulong na maiwasan at makakatugon sa mga indibidwal at sistemikong anyo ng diskriminasyon dahil sa lahi. Maaaring kabilang dito ang:
Ang pangongolekta ng numerikong data batay sa lahi, sa mga angkop na panahon
Pananagot sa kasaysayan ng pagkawalan dahil sa lahi
Ang pagbalik-aral ng mga polisiya, mga kaugalian, mga paraan ng pagdedesisyon, at kultura sa lugar ng trabaho, para malaman ang mga masamang epekto
Ang paglagay at pagpapatupad ng mga polisiya at mga programa ng edukasyon tungkol sa kapootang lahi, diskriminasyon, at panliligalig.
Explanation:
Ignore po kung sa tingin mo mali.