paano makaka iwas nang sakuna
Share
paano makaka iwas nang sakuna
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Dapat nating iwasan masira pa lalo ang ating mga likas na yaman katulad ng ating mga kagubatan at mga katubigan. Dapat rin tayong makiisa sa mga proyektong naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran.
Ang lupa na ating tinatapakan , ang tubig na ating iniinom at ang hangin na ating nilalanghap ay mula sa Maykapal. Dapat natin silang pangalagaan bilang tanda ng pagpapasalamat at upang maiwasan natin ang mga kalamidad Ano-ano ang mga dapat nating gawin? Una, iwasan natin ang magtapon ng mga basura sa ating mga ilog at kanal dahil ito ang karaniwang sanhi ng pagbaha. Pangalawa, iwasan din natin ang pagputol ng mga puno para maiwasan ang pagguho ng lupa (soil errosion) at biglaang pagbaha (flash floods). Higit sa lahat, dapat tayong tumulong na hikayatinang ating mga kababayan na makiiisa rin sa mga proyektong ito na naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran.
Sa panahon natin ngayon, madalas tayong nakararanas ng iba;t ibang kalamidad dahil hindi natin pinahahalagahan ang ating kapaligiran. Dapat tayo ay matuto na at magsilbing aral na ito sa atin. Huwag nating kalilimutan na tayo ang pangunahing sanhi ng mga kalamidad, kaya tayo rin ang kailangan kumilos para maiwasan ang mga ito.