Paano naboo ang pilipinas
brailiest agad pag tama sagot nyo
Share
Paano naboo ang pilipinas
brailiest agad pag tama sagot nyo
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Pandignayang Kasaysayan ng Pilipinas
Nabuo ang Pilipinas dahil sa pagsasanib ng mga terrane galing sa iba’t-ibang lugar na nagsimula noon pang panahon ng Eocene. Ang ilan dito ay mula sa mga pumutok na bulkan sa Pacific, habang ang iba naman ay mga lupaing itinulak paitaas (obduction) mula sa ilalim ng karagatan, o hindi naman kaya’y nagmula sa China (Palawan at Mindoro).
Explanation:
Ang Pilipinas ay isa sa mga pinaka-tectonically active na bansa sa buong mundo. Nagmula sa iba’t-ibang lugar ang mga lupain ng Pilipinas, ngunit sa kasalukuyang panahon ay mayroon itong dalawang major landmass: ang Philippine Mobile Belt at ang Palawan Microcontinental Block (na nagmula sa China). Narito ang buod ng heolohikal na kasaysayan ng Pilipinas:
~55 Milyong taon ang nakalipas (Eocene) – nakakabit pa ang Palawan at Mindoro sa China
~45 Milyong taon ang nakalipas (Eocene) – nabuo ang South China Sea at West Philippine Basin, at unti-unting lumalapit ang Luzon sa kasalukuyang pwesto nito
~25 Milyong taon ang nakalipas (Oligocene) – humiwalay sa China ang Palawan at Mindoro at unti-unting lumapit sa Pilipinas
~15 Milyong taon ang nakalipas (Miocene) – bumangga ang Palawan at Mindoro sa Luzon at Panay
~5 Milyong taon ang nakalipas (Pliocene) – halos mabuo na ang kasalukuyang hulma ng Pilipinas
Para palawakin pa ang iyong kaalaman tungkol sa dignayan o heolohiya,
Explanation:
❤❤❤
Explanation: