Paano nagagamit ang kakayahang sosyolingguwistiko sa iba't ibang sitwasyon?
Home
/
Paano nagagamit ang kakayahang sosyolingguwistiko sa iba't ibang sitwasyon?
Paano nagagamit ang kakayahang sosyolingguwistiko sa iba't ibang sitwasyon?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Tinutukoy ng kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon. Halimbawa, inaasahan sa atin ang paggamit ng pormal na wika (halimbawa: “Magandang araw po! Kumusta po kayo?”) sa pakikipag-ugnayan sa mga nakatatanda at may awtoridad, kaiba sa paggamit natin ng impormal na wika (halimbawa: “Uy! Kumusta ka naman?”) sa ating mga kaibigan at kapareho ng estado.
Nilinaw ng sosyolingguwistang si Dell Hymes (1974) ang nasabing mahahalagang salik ng lingguwistikong interaksiyon gamit any kaniyang modelong SPEAKING:
Nakapaloob ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na etnograpiya ng komunikasyon. Ang salitang etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran. Kung ilalapat ito sa komunikasyon, sinasabi na ang pag-aaral sa wika ay nararapat na nakatuon sa paglalarawan at pagsusuri sa kakayahan ng tagapagsalita na gamitin ang wika sa tunay na sitwasyon (Farah 1998). !sang kahingian, kung gayon, na pahalagahan ang mga salik na nababanggit sa modelong SPEAKING tungo sa mas maayos at mabisang komunikasyon sa tiyak na konteksto.