paano naging konektado o magkaugnay ang wika sa kultura at tradisyon ng isang bansa?
Share
paano naging konektado o magkaugnay ang wika sa kultura at tradisyon ng isang bansa?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
•Question•
paano naging konektado o magkaugnay ang wika sa kultura at tradisyon ng isang bansa?
•Answer•
Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura, ang kultura ay nalilinang dahil sa wika at ang wika ay angkultura mismo. Maari natin itong ituring bilang batayang gabay sa matibay na kaugnayan ng wika at kultura bilang mabisang kasangkapan sa pagtataguyod ng pagkakakilanlan nating mga Pilipino.
Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura. Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay hindi abstraktong nilikha ng mga nakapag-aral o ng bumubuo ngdiksyunaryo, kundi ito ay isang bagay na nalikha mula sa mga gawa, pangangailangan, kaligayahan, panlasa ng mahabang talaan ng henerasyon nglahi at nagtataglay ito ng malawak na batayang makamasa (Peña et. al 2012). Malinaw na ang wika ay nalilinang at napagtitibay sapagkat ang kulturaang nagbibigay katuturan sa ipinapahayag na kaisipan ng wika. Ginagamit ang wika dahil ito ay daluyan ng komunikasyon upang magpasimula ngisang tiyak na pagkilos o paggawa. Ito rin ay pangangailangan ng tao sa pakikipag-ugnayan sapagkat siya ay itinuturing na may pangangailangang sosyal. Ang wika ay nakapagpapahayag din ng iba’t ibang damdamin at natutukoy din dito ang pananaw sa iba’t ibang bagay napagpapasiyahan kungano ang magiging kalugod-lugod sa atin, ang pagpapasiyang mayroong impluwensiya mula sa ating kapuwa at ng kabuuan ng lipunang atingkinabibilangan.