Paano naitatag ang demokrasya sa Athens? (please summarize thank you!)
Share
Paano naitatag ang demokrasya sa Athens? (please summarize thank you!)
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
Naitatag ang demokrasya sa Athens dahil sa mga pagbabagong hinahangad ng mga karaniwang tao. Ang Athens noong una ay pinamumunuan ng mga naihalal na hari na nakakukuha ng mga payo mula sa mga maharlika o mayayamang tao lamang na may Malaki o mataas na kapangyarihan.
Na sa kalaunan ay napalitan ng aristokrasya dahil sa hiling na pagbabago o reporma ng mga pangkaraniwang mamamayan. Napayaman ng pamamahalang ito ang Athens dahil sa pakikipagkalakalan.
Hindi nasiyahan ang mga tao kung kaya’t nabuo ang demokrasya na kung saan bibigyan ng karapatan ang mga tao ng karapatan na ituro o isuplong ang taong nagsisilbing panganib sa Athens na kapag sya ay nakapagtamo ng 6000 boto siya ay palalayasin sa Athens at hindi makababalik sa loob ng 10 taon. Itinuturing na ama ng demokrasya si Cleisthenes.
Explanation:
Pa brainiest po
Answer:
Ang demokrasya sa Athens ay naitatag noong 508 BC sa pamamagitan ng isang tao na nagngangalang Cleisthenes. Siya ay tinatawag na "Ama ng Demokrasya sa Athens" dahil sa kanyang mga reporma na naglalayong magbigay ng mas malawak na partisipasyon sa pamahalaan sa mga mamamayan ng Athens.
Bago ang panahon ni Cleisthenes, ang Athens ay pinamumunuan ng mga aristokrata. Ngunit dahil sa mga tensyon at hindi pagkakasunduan sa pagitan ng mga pangkat, nagkaroon ng pag-aaklas. Bilang tugon, si Cleisthenes ay nagpatupad ng mga reporma na naglalayong ibalik ang kapangyarihan sa mga tao.