paano nakakatulong ang pagiging matapat sa kaunlaran ng sarili, pamilya at lipunan? 3 sanaysay
Home
/
paano nakakatulong ang pagiging matapat sa kaunlaran ng sarili, pamilya at lipunan? 3 sanaysay
paano nakakatulong ang pagiging matapat sa kaunlaran ng sarili, pamilya at lipunan? 3 sanaysay
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:dahil sa pagiging tapat natin ay nakakabuo ito ng tiwala...tiwala na kinakailangan upang mas tumibay ang pag sasama ng pamilya na maaaring isabuhay di lang pang pamilya kundi sa kapwa tao at iba pa ang kahalagahan ng pagiging tapat ay maiuugnay ka nito mula sa ibat ibat tao kapag ang tiwala nila ay nagsimulang umusbong at dahil dito nag sisimula rin ang tinatawag na samahan o pag kakaibigan ng bawat tao.
Explanation:
Ang pagiging matapat sa kaunlaran ng sarili, pamilya at lipunan ay isang magandang pag-uugali na dapat ay taglayin ng isang indibidwal. Hindi maipagkakaila na ang pagiging matapat sa kaunlaran ng ating sarili ay may magandang maidudulot sa atin upang tayo ay matuto ng mabuting asal at magkaroon ng disiplina sa sarili. Dito rin nagsisimula ang pagiging mulat sa responsibilidad natin sa ating sarili at sa mga bagay o tao na importante sa atin.
Sa kaunlaran ng pamilya naman ay mahalaga rin na tayo ay maging matapat dahil natural na sa ating mga Pilipino ang maging mapagmahal sa ating mga pamilya kaya naman ang pagiging matapat sa kanila ay nakapagpapaunlad at makapagpapayabong ng ating relasyon sa ating pamilya. Masusukat rin natin dito ang pagmamahal at pagtitiwala sa bawat miyembro ng ating pamilya na nakakasama natin sa araw-araw.
Makatutulong rin ang pagiging matapat sa kaunlaran ng ating lipunan dahil bilang isang mamamayang Pilipino bawat karapatang ating natatamasa sa ngayon ay may tungkulin tayong dapat na gampanan at ito ay ang pagiging isang disiplinado, huwaran at matapat na indibidwal sa mga batas o alituntunin na ipinatutupad ng ating lipunan. Mahalaga na tayo ay maging matapat sa ating lipunan dahil maituturing itong isang napakahalagang salik sa pagpapabuti ng ating lipunan.