paano nakakatulong ang pagtaas ng presyong ng langis sa ekonomiya
Share
paano nakakatulong ang pagtaas ng presyong ng langis sa ekonomiya
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang ekonomiya ng mga bansang may langis ay nakasalalay sa presyo nito. Kaya kung mura na nga sa merkado, hihina rin ang ekonomiya nila. At kapag humina ang ekonomiya, ang unang mawawalan ng trabaho ay ang mga OFW. Kaya, ang ibig sabihin nito ay kung mataas ang presyo ng langis, lalakas at tuloy-tuloy lang ang daloy ng ekonomiya.
Explanation:
I hope this would help u :>
Answer:
Una sa lahat, dapat maintindihan na ang mundo ngayon ay kontrolado ng uring kapitalista kung saan ang laging ninanais ay magkamal ng tubo. Pangalawa, lahat ng mga gobyerno sa daigdig ay kontrolado ng at nagsisilbi para sa mapagsamantalang mga uri.
Mula pa noong 1973 ay patuloy na ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Ang mga “pagbaba” ng presyo ay nilamon lamang ng ilang dekadang pagtaas ng presyo nito.
Mula pa noong huling bahagi ng 1960s ay nasa permanenteng krisis na ang pandaigdigang kapitalismo. Ang pagtaas ng presyo ng langis sa kasalukuyan ay epekto lamang ng tumitinding krisis ng sistema at hindi simpleng dahil sa pagiging ganid ng uring kapitalista sa tubo.
Dahil sa krisis ay mas lalong humina ang kapitalistang produksyon na siyang sentral na pinagkukunan ng tubo ng mga kapitalista. Sapagkat mahirapan ng makakuha ng tubo sa produksyon ay nagkasya na lamang ang mapagsamantalang uri sa ispekulasyon. Ito ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis. Ang pangingibabaw ng ispekulatibong ekonomiya ay manipestasyon ng malubhang krisis ng sistema.
Ikalawang dahilan ay ang kaguluhan ngayon sa Gitnang Silangan. Kaguluhan na hindi kagagawan ng masang anakpawis kundi kagagawan ng inter-imperyalistang digmaan at intra-paksyunal na bangayan ng mga pambansang burgesya na may kanya-kanyang among imperyalistang kapangyarihan.
Ikatlong dahilan ay ang pandaigdigang krisis sa utang na sumabog noong 2006-07. Ang lumalaking utang ng kapitalistang mundo mula pa noong 1970s ang mayor na dahilan ng inplasyon o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Samakatuwid, ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis ay ang wala ng solusyon na krisis ng pandaigdigang kapitalismo na nagsimulang sumabog noong huling bahagi ng 1960s.
Explanation:
basahin mo nalang