Paano Natugunan ng mga unang filipino ang kanilang pangangailangan sa araw araw?
Share
Paano Natugunan ng mga unang filipino ang kanilang pangangailangan sa araw araw?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
Pangangailangan ng mga Sinaunang Pilipino
Natugunan ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang mga pangaraw-araw na pangangailangan sa tulong ng pangingisda, pangangaso, at pagkuha ng mga bungang kahoy.
Explanation:
Ang mga sinaunang Pilipino ay naninirahan sa mga kweba, base sa mga ebidensyang nakakalap ng mga eksperto sa kasalukuyan. Ang mga labi ng Tabon Man at ng Callao Man, na itinuturing ngayon bilang mga sinaunang Pilipino, ay natagpuan sa loob ng mga kweba sa Palawan at Cagayan. Noong unang panahon, hindi pa alam ng mga tao ang agrikultura, kaya naman upang mapunan ang kanilang pangangailangan ay kailangan nilang pumunta sa mga baybayin o mga ilog upang manghuli ng isda. Ang iba naman ay nangangaso ng mga hayop sa gubat upang kainin. Dahil tropical ang bansang Pilipinas, maraming bungang kahoy din ang pwedeng kainin ng mga sinaunang Pilipino.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga sinaunang Pilipino, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/157630
brainly.ph/question/439434
#BrainlyEveryday