PAG-ALABIN NATIN
Kahit bata pa lamang ay maaari nang maging masikap-mula sa maliliit na bagay tulad ng pagliligpit ng laruan pagkatapos maglaro, hanggang sa mas malalaking bagay gaya ng paggawa ng takdang-aralin. Ano kaya ang maiaambag ng isang bata sa kaniyang pamilya sa bawat taon ng kaniyang buhay?
1. Gumawa ng tsart na may dalawang hanay.
2. Sa itaas na bahagi ng kaliwang hanay, isulat ang "Edad." Dito ililista ang katangian ng isang bata sa bawat taon. Gumamit ng mga pang-uri upang ilarawan ang bata.
3. Sa itaas na bahagi naman ng kanang hanay, isulat ang "Gawain." Dito ililista ang mga angkop na gawain para sa isang bata sa bawat taon. Gumamit ng mga buong pangungusap.
4. Gawin ito para sa edad lima hanggang labindalawa. Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Isulat ito sa inyong kuwaderno.
Share
0 Replies