PAG BUBUO NG ISANG MALAKAS NA PAMILYA
Ang sanayasay na ito ay galing sa hawaii.edu
Ano ang kahulugan ng pamilya para sa inyo?May ilang taong naniniwalang ang isang pamilya tulad ng isang magandang kahong puno ng mga bagay na gusto nila: pagmamahal, katuwaan, pagkakaroon ng
kasama (companionship) at iba pang magagandang bagay, isang kahong mabubuksan kailanma't nais nila ng
mga bagay na ito. Marahil, mas nakakatulad ng isang walang lamang kahon ang pamilya.
Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa rito ng mga tao. Kailangang
sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamaha
at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at
paghikayat sa isa't isa. Ang mga ito ang nagpapatigib sa kahon. Ang paglalabas ng higit sa isinilid natin ay
magpapabasyo sa kahon sa malao't madali.
Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya. Maaaring mayaman o mahirap
sila. Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak, o isang ina na may
isa o higit pang anak, o mga lolo't lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o magasawang walang anak.
Matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tumutulong silang humubog ng mga taong
nagiging katulad natin. Kung kailangan nating lumaking malulusogat maliligaya ang mga anak natin
mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya.
Tanong:
1. Tungkol saan ang sanaysay?
Pagbubuo ng isang malakas na
2. Ano ang ibig sabihin ng pamilya ayon sa sanaysay?
3. Saan inihahalintulad ang isang pamilya at bakit?
4. Anong uri ng pamilya ang nagsisilbing pundasyon ng lahat ng dakilang bansa?
5. Ano ang dapat gawin upang matamo natin ang pagmamahal at kaligayahan sa ating pamilya?
Pa answer po please
Wag nyo po sagutan pag di nyo po alam
Share
Answer:
1.Pag bubuo ng pamilya malakas na pamilya
Explanation:
yun lang po alam ko Correct me if I wrong