Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitanng Estadistikang Kasarian“Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon. Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan. Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa. Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya. Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon. Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay-proteksiyon sa mga kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.
1. Alin sa mga sumusunod na gawain ng isang babae ang binigyang pansin sa ikaapat na talata?
A. Alipin habang buhay
B. Katuwang sa pamumuhay
C. Katuwang sa loob ng tahanan
D. Katuwang sa lahat ng suliraning pampamilya
2. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit sa pangungsap? “Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan.”
A. kampihan
B. sumang-ayon
C. tumaliwas
D. Tumindig
3. Anong mga gawain ang inilahad sa teksto upang mabigyang solusyon ang karapatan ng isang babae?
A. Pagsulong sa iba pang benipisyop ukol sa kababaihan
B. Pagbuo ng mungkahing batas sa pagpapaunlad ng kakabaihan
C. Pagtataguyod sa mga organisasyong mangangalaga sa mga kababaihan
D. Pagmungkahi na gawing pinuno ang babae sa alinmang gawaing panlipunan
4. Anong kaisipan ang nais iparating teksto?.
A. Pagpapaigting sa karapatang pantao
B. Pagsulong sa karapatan ng mga kababaihan
C. Pagpapaunlad sa edukasyon ng mga kababaihan
D. Pagpapanatili sa kababaihan bilang katuwang sa gawaing pantahanan
Thank You.
Share
Answer:
1.D
2.A
3.C
4.D
Explanation:
sana makatulong