NEED KO PO ANSWER ASAP SALAMAT
Ang paglinang Ng mga angkop sa inaasahang kakayahan o kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay makakatulong sa:
1.Paano makaktulong sa Sarili
____________________________
2.Paano makaktulong sa Kapwa
____________________________
3.Paano makaktulong sa Pamilya
_____________________________
4.Paano makaktulong sa Lipunan
_____________________________
Share
Answer:
1. Makakatulong sa ating Sarili ang paglinang ng mga angkop sa inaasahang kakayahan o kilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata sa pamamagitan ng mas maiintindihan na natin ang mga bagay na noon ay hindi natin naiintindihan sapagkat ang isip natin noon ay bata pa. Nalalaman na natin yung mga bagay na mali at tama, maganda tingnan at hindi, pati na rin yung mga dapat at hindi dapat natin gawin. Mas nauunawaan na natin ang bawat sitwasyon na nararanasan natin.
2. Makakatulong sa Kapwa ang paglinang ng mga angkop sa inaasahang kakayahan o kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa pamamagitan ng nagkakaron tayo ng maayos na pakikitungo sa kanila, natutulungan natin sila sa mga ginagawa nila na nakikita natin na nahihirapan sila at nagagawa na rin natin na maiayos ang kilos natin na naka-depende sa sitwasyon.
3. Makakatulong sa Pamilya ang paglinang ng mga angkop sa inaasahang kakayahan o kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa pamamagitan ng nagkakaroon tayo ng kaunawaan sa sitwasyon na meron ang pamilya natin, nagagawa rin natin na mabigyan ng kalutasan ang kinakaharap na problema ng pamilya, nakakatulong na rin tayo sa pamilya natin sa loob at labas man ng ating tahanan at nagagawa na rin natin na magdesisyon na maaaring makatulong sa kanila pero hindi lahat nagkakaroon ng tamang desisyon pero hindi na dapat tayo manghusga o kaya ay bigyan pa ng pansin ang mga bagay na nagiging desisyon ng ibang mga kabataang dalaga at binata sapagkat hindi naman tayo pareho ng sitwasyon bagamat lahat naman nahihirapan ngunit magkakaiba tayo ng pag-iisip sa buhay.
4. Makakatulong sa Lipunan ang paglinang ng mga angkop sa inaasahang kakayahan o kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa pamamagitan ng pagkakaroon natin ng kapakinabangan sa lipunan. Hindi lahat mayroong kamalayan sa paligid pero kung isa ka sa nakakatulong sa inyong lipunan ay isa kang huwaran, ipagpatuloy mo lang yan.