Pagbuo ng isang tula o spoken poetry na naglalaman ng angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
Share
Pagbuo ng isang tula o spoken poetry na naglalaman ng angkop na hakbang sa paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Wala akong ideya kung anu-ano ang mga pagbabagong maaaring mangyari pero sa paglipas ng mga taon, aking napagtanto na ang pagdadalaga ay maghahatid ng mga pagbabago at ang mga ito ay magbibigay daan upang mas lalong makilala ko pa ang aking sarili. Ang mga pagbabagong ito ang magiging tulay upang mabigyang kalinawan ang aking pag-iisip sa realidad ng buhay.
Malinaw pa sa aking ala-ala kung paano ako natakot noong una kong nakita ang dugo na nagsisimbolong simula na ng aking pagdadalaga. Naaalala ko pa kung paano ako natakot sabihin ito sa aking ina dahil sa tingin ko ay hindi ito normal. Naaalala ko pa kung paano niya ako tinuruang ilagay ang pasador nang tama. Isa lamang ang araw na iyon sa mga di ko inaasahang araw na makakaranas ako ng pagbabago. Nagkaroon ako ng umbok sa aking dibdib na hanggang ngayon ay wala pa akong ideya kung saan nanggaling, naging mas buo ang aking tinig at nagagamit ko ito sa pakikipagtalastasan sa mga taong nakakasalamuha, nagkaroon ng buwanang dalaw kung saan dito ko naramdaman ang kakaibang sakit na nakakaapekto sa buong katawan, lumaki ang aking mga hita at lumapad ang aking balakang. Ang aking mga nabanggit ay iilan lamang sa mga pagbabagong aking pinagdaanan. Sa pagdaan ng mga buwan, unti-unti kong tinanggap na ako ay hinuhubog na ng panahon upang maging ganap na dalaga.
Explanation:
Spoken poetry yan... Pa brainliest namn para di sayang effort.. Btw staysafe and goodluck..