Paghambingin ang neo-coloniaism at colonial mentality.
nonsense=report
Share
Paghambingin ang neo-coloniaism at colonial mentality.
nonsense=report
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang neo-kolonyalismo ay isang uri ng makabagong sistema ng kolonyalismo kung saan ipinapalaganap ang globalisasyon, ekonomiyang imperyalismo o pagkontrol ng ekonomiyang polisiya ng mga umuunlad na bansa, impluwensya at mga sistemang produkto ng kanilang pamamahala. Ang halimbawa ng neo-kolonyalista ay ang Estados Unidos dahil sa kanilang dalang "Western liberal democracy" at mga samu't-saring pagpapadala ng mga militar na nakokontrol nilang base halimbawa na lang sa ating bansa, ang Subic-Clarkfield sa Olongapo.
Ang kaisipang kolonyal ay isang ideya ng isang tao kung saan ang kanyang karakter ay nahaluan ng impluwensya ng makapangyarihang bansa katulad ng mga Fil-Am. Halimbawa, ating nakasanayan ang pagiging bilad sa initan dahil sa lakas na kayang panghawakan ng ating melanin. Ngunit sa kabilang banda, may isa kang kaibigan na sinabihan kang gumamit ng produktong pangdayuhan katulad ng lotion upang ikaw ay pumuti.
Sa paghahambing nitong dalawang sistema at ideya sa makabagong panahon, ang neo-kolonyalismo ay nakaaapekto sa pamumuhay ng tao. Maaaring mawala na sa atin ang mga kulturang pagka-Pilipino dahil napapahalagahan na natin ang panibagong uri ng produktong hatid ng ibang bansa. Halimbawa, kung dati ay naisipan mo ang pagtutulungan ng bawat isa o collective approach plan, naisipan mo nang kaya mo nang mag-isa mamuhay, lalo na't naisapuso mo na "yayaman ka sa ibang bansa". Napatungan na ang kaisipan ng mga tao sa pagkakaroon ng "blind individualism". Ibig sabihin nito, nagiging isang masugid na liberalista na ang isa tao dahil sa kakayahang maging malaya siya sa kabila ng hirap, sa halip na ang pagtingin ng isang indibidwal ay sa masa pa rin na pinanggalingan niya.