paghambingin ang nobela at maikling kwento?
Share
paghambingin ang nobela at maikling kwento?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Nobela at Maikling Kuwento:
Ang nobela at maikling kuwento ay kapwa akdang piksyon. Kapwa may mga tauhan, tagpuan, at kawing - kawing na pangyayari. Ang layunin ng mga ito ay maaring magbigay - aral, mangumbinsi o manghikayat, at magbigay - impormasyon. Kapwa gumagamit ng mga simbolo. Naglalaman din ng tema at aral.
Explanation:
Pagkakaiba ng Nobela at Maikling Kuwento:
pinanggalingan
extension
tauhan
paglalarawan
istruktura
pagkakaisa ng aksyon
yunit ng oras
lugar
atmospera
pagbasa
Ang nobela ay nagmula ika labing - isang siglo samantalang ang maikling kuwento ay nagmula sa sinaunang panahon.
Ang nobela ay mahaba at walang limitasyon samantalang ang maikling kuwento ay maikli.
Ang nobela ay may malalim na pagpapakilala sa mga tauhan samantalang ang maikling kuwento ay may maikling paglalarawan sa tauhan.
Ang nobela ay masining samantalang ang maikling kuwento ay karaniwang problem - knot - climax ang anyo.
Ang nobela ay may iba't - ibang aksyon samantalang ang maikling kuwento ay may isang solong katotohanan.
Ang nobela ay pangmahabang panahon samantalang ang maikling kuwento ay para sa maikling panahon.
Ang nobela ay maraming tagpuan samantalang ang maikling kuwento ay isang tagpuan lamang.
Ang nobela ay nagbabago ang atmospera samantalang ang maikling kuwento ay hindi nagbabago.
Ang nobela ay inaabot ng ilang araw o linggo bago matapos samantalang ang maikling kuwento ay mababasa ng isa o dalawang araw lamang.