Pagkamalikhain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talata. Gumuhit ng isang
malikhaing pabalat sa kuwaderno na naglalaman ng angkop na
pamagat ayon sa nilalaman ng talata.
1.Maraming magagandang kaugalian ang tinataglay
ng mga Pilipino. Isa na rito ang pagmamano sa
matatanda bilang pagpapakita ng paggalang.
Kadalasan itong ginagawa pagdating at pag-alis
ng tao. Kilala rin ang mga Pilipino sa pagiging
magiliw sa pagtanggap ng panauhin. Madalas na
tinitiyak ng mga Pinoy na nabigyan nila
komportableng pamamalagi ang sinumang
kaanak o kaibigang dumadalaw sa kanilang
tahanan. Ang matibay na pagkakabuklod ng
pamilyang Pilipino ay isa rin sa kanilang
magandang kaugalian. Tinitiyak nila na
magkakalapit lamang kanilang tirahan sa
kanilang mga kaanak kahit pa sila ay may
wastong edad na o sarili ng pamilya. Kadalasan
pa nga ay higit sa isang pamilya ang
magkakasama sa loob ng isang bahay.
2.Maraming kariktang ibinigay ang Dakilang
Lumikha sa ating kapuluan. Pinatutunayan ito ng
ating maganda at kahanga-hangang mga tanawin.
Ang Banawe Rice Terraces ay tanimang inukit sa
gilid ng bundok na ginawa ng ating mga ninuno.
Sa lalawigan ng Albay naman ay naroon ang
perpektong hugis ng Bulkang Mayon na
maipagmamalaki ng buong Pilipinas. Maraming
turista naman ang dumarayo sa Isla ng Boracay
dahil sa taglay nitong puting-puti at pinong
buhangin. Kahanga-hanga rin ang tanawin sa
Manila Bay dahil sa magandang tanawin ng
paglubog ng araw doon.
Share
Answer:
gagawa po ba diyan ng pamagat kong oo
sasagutan kopo iyan kasi mahilig ako sumulat ng tula kwento at mag drawing
Explanation:
1.MAGAGANDANG KAUGALIAN ANG TINATAGLAY NG MGA PILIPINO
2.DAKILANG LUMIKHA SA ATING KAPULUAAN
PA BRAINLEST PO