pagkatulad pagkatulad
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
୨୧ | Katangian ng Awiting Bayan.
Ang mga Awiting-Bayan o Kantahing-Bayan ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin. Nanatiling paksa ng mga awiting-bayan ang katutubong kultura. Pinaksa ng mga awiting-bayan ang tungkol sa damdamin ng tao, paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran, kahalagahan ng paggawa, kagandahan ng buhay, pananalig, pag-asa, pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, at paglalahad ng iba-ibang ugali at kaugalian.
୨୧ | Katangian ng Bulong.
Ang Bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon sa pulo ng Pilipinas. Ito ay ginagamit bilang pagbibigay galang o pagpapasintabi sa mga bagay o pook tulad ng punong Balete, sapa, at ilog, punso at iba pang makapangyarihang espiritu upang hindi sila magalit at manakit kapag natapakan, nabunggo, pinutol, at iba pa na makakasakit sa kanila.
୨୧ | Pagkakatulad.
Parehas itong sumasalamin sa ating tradisyon, kultura at iba't ibang paniniwala noon.
#CarryOnLearning