PAGNINILAY
Panuto: Unawain at sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa aralin.
1. Nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay. Hindi nalalayo sa ating
kasalukuyang kalagayan bagamat ito ay banta ng COVID, anong katangian ng mga katutubo ang maaari nating tularan upang magtagumpay sa hamon ng pandemya na ating kinahaharap ngayon?
2. Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga pinuno sa tagumpay ng kani-kanilang kabihasnan. Kung ikaw ay magiging pinuno ng isang bansa, anong higit na bibigyan mo ng pansin upang maging matatag at maunlad ang iyong nasasakupan?
3. Natunghayan mo ang hindi matatawarang nagawa ng mga Klasikong
Kabihasnan ng Africa, America at mga pulo sa Pacific sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan. Sa iyong palagay, ano ang maaaring mangyari sa kasalukuyang panahon kung wala ang mga kontribusyon ng mga nabanggit na kabihasnan?
Share
PAGNINILAY:
1. Ang maaari nating gayahin mula sa mga katutubo upang tayo ay magatagumpay rin sa ating mga layunin ay ang pagkakaisa, pagiging matatag, at ang pagiging matiyaga upang magtagumpay.
2. Kung ako ay magiging pinuno ng isang bansa, nais kong maging matulunging pinuno, tutulungan ko ang mga nangangailangan, bibigyan ng trabaho ang mga walang trabaho, at magdedesisyon para sa ikabubuti ng nakararami at hindi para sa aking sarili lamang.
3. Kung wala ang kontribusyon ng Africa, America at mga pulo sa Pacific, maaaring walang nabuong konsepto ng tradisyon na ginagawa natin ngayon na may kinalaman sa mga bansang ito. Maaari ding mawala ang mga pilosopiya mula sa mga bansang ito at maaari ding maapektuhan ang pilosopiya sa ating bansa.
PAG-ALAM SA NATUTUNAN:
Malaki ang naging kontribusyon ng Africa, America at Mga pulo sa pasipiko sa ating arkitektura, relihiyon, pamumuhay at kalakalan.
#CarryOnLearning