pagpapahayag Ng isang magandang Lugar na napasyalan.
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Boracay
Explanation:
Wow Pilipinas! Wow Boracay!
Isa sa pinagmamalaki ng Pilipinas ay ang Boracay. Isa itong maliit na isla, bahagi ito ng Aklan. It ay may haba na pitong kilometro. Maaaring puntahan ang Boracay sa pamamaguitan ng eroplano or barko. Magtataka kayo na kahit sobrang liit ang Boracay bakit parati ito dinadalaw ng mga turista. Madaming dahilan kung bakit angat ito kaysa sa mga ibang mga tabing dagat.
Isa sa mga dahilan kung kakaiba ang isla na ito ay ang buhangin. Ang buhangin na matatagpuan dito ay napakaputi at sa sobrang pino, sa sobrang pino niya ay parang pulbos kapag hawakan. Hindi rin ito masakit tapakan kahit sa tanghaling tapat kasi hindi ito umiinit hindi kagaya ng ibang mga tabing-dagat. Maaring pasaylan ang isla sa pamamagitan tricycle o puwede rin na magrenta ng bisikleta omotorsiklo. Kadalasan ay naglalakad ang mga tao na pumupunta dito kahit na may mga tricycle naman na maaring sakyan. Hindi lang buhangin ang maganda sa Boracay kundi pati rin ang asul at napalinaw na tubig na mala crystal. Ang dagat ang pumapalibot sa Boracayay madalas na tinatawag na “pinaka magandang tropical na isla sa buong mundo. Ang paglubog ng araw ay parang pininta na larawan. Kakaiba ito dahil sa mga kulay na paiba-iba bawat araw. Ang Boracay ay may isang malaking bato sa may isla na halos lahat ng pumupunta ay hindi maaring makaligtaan na magpalitrato dito. Sa itaas nito ay may isang rebulto ng Birheng Maria. Willy’s rock kung tawagin ng bato na ito. Hindi naghihinto ang kasiyahan sa Boracay. Sa umaga madami ang maaring gawin dito kagaya ng paglalangoy sa dagat, pagsisidsid, pagtalon sa talampas, o paghihinga at magrelaks sa kagandahan ng isla. Habang sa gabi naman ay parating may parti sa Boracay. Parang isang buong pandiriwang ang nagaganap gabi-gabi sa isla na ito. Marami rin na maaring mabili na sobinir. Nandun ang mga t-shirts na may mga nakapinta na mga magagandang tanawin ng lugar o ang mga beads or perlas na kinagigiliwan ng halos sino man ang pumunta sa isla, maging local or dayuhan ang siguradong bibili nito para ipasalubong sa mga minamahal. Makikita natin ang cultura ng mga Pinoy kung paano sila makitungo sa mga tao lalo na sa mga dayuhan. Ang mga tao dito sa Boracay ay palaging nakangiti at matulungin.
Karamihan na dumadayo dito ay gusto pang manatili at habaan ang kanilang bakasyon. Napakahirap iwan ang isang lugar na tila paraiso lalo kung ang babalikan na riyalidad ay puno ng stress. Ang Boracay ay tila puno ng liwanag, liwanag ng buhay na nagbibigay pag-asa sa mga tao.