Pagsasanay: Basahin at unawain ang sumusunod na mga pangungusap. Salungguhitan ang paksa ng pangungusap at ikahon naman ang pandiwa o salitang kilos. Isulat sa patlang kung ano ang pokus ng pandiwa na ipakikita (tagaganap, layon, tagatanggap, o kagamitan)
______ 1. Nilikha ni Lumawig ang araw na naging tanglaw sa umaga.
______ 2. Pinagmasdan ni Lumawig ang kalawakan.
______ 3. Ang mga tao ay humihingi ng tulong kay Bathala.
______ 4. Bumaba siya kaagad sa daigdig.
______ 5. Nagsipag-awitan ang mga katutubo.
______ 6. Madaling naubos ang mga prutas.
______ 7. Ipinaaayos ni Lolo ang nasirang karwahe.
______ 8. Pinuntahan nila ang tuktok ng bundok.
______ 9. Ikinalat sa langit ang mga utak ni Ymir.
______ 10. Pinagpatungan ng maraming gulay ang mesang kainan.
Share
0 Replies