Pagsasanay c. Panuto: Gumawa ng timeline tungkol sa Talambuhay ni Jesse M. Robredo na mababasa sa Pagsasanay A(10 puntos)
Share
Pagsasanay c. Panuto: Gumawa ng timeline tungkol sa Talambuhay ni Jesse M. Robredo na mababasa sa Pagsasanay A(10 puntos)
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Si Jesse Manalastas Robredo ay isinilang noong May 27, 1958 sa Naga City. Siya ay anak nina Jose Chan Robredo Sr. at Marcelina Manalastas Robredo. Siya ay pangatlo sa limang magkakapatid. Ang kanyang kuya ay si Jose “Butch” Robredo. At ang kanyang mga kapatid na babae na sina Jecelyn Robredo Austria, Jenny Robredo Tang at Josephine Robredo Bondoc. Ang kanyang maybahay ay si Leni Robredo na sa kasalukuyan ay Bise Presidente ng Pilipinas.
1988 si Jesse Robredo ay naglingkod bilang Alkalde ng Lungsod ng Naga sa Camarines Sur mula 1988-1998 at muling bumalik noong 2001-2010. Siya ang unang Alkalde na ginawaran ng parangal na Gawad Ramon Magsaysay para sa Panunungkulan sa Pamahalaan noong 2000
Siya ay naglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) sa pamumuno ng Pangulong Benigno Aquino.
Noong Agosto 18, 2012 ang eroplanong sinasakyan ng Kalihim ay nag crash. Pagkatapos ng tatlong araw saka lamang nakuha ang bangkay ni Jesse Robredo.