Pagsasanay C
Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa alinman na paksang napili sa baba. Salungguhitan ang mga salitang kaugnay nito.
A. Bayanihan ng mga Pilipino
B. Isports ng mga Kabataan
C. Talento ng mga Bicolano
BrainList ko ang tamang sagot
Share
Answer:
A.Bayanihan ng mga pilipino
Sa panahon ng pandemya, dapat magkaisa ang mga tao. Milyun-milyong buhay ang naapektuhan. Kaya naman, dapat magtutulungan tayong hahat upang makaahon sa pandemyang ito.
Ang pagtutulungan ay nasa dugo at kultura ng mga Pilipino. Sa sinaunang panahon, ang ating maga ninuno ay nagtutulungan sa pamamagitan ng bayanihan. Ayon sa mga talasalitaan, ang “pagtutulungan” ay tumutukoy sa pagkakaisa ng mga mamayan upang makamit ang isang mithiin. Kapag lahat tayo ay magtutulungan, walang imposibleng hindi natin kayang gawin.
Sa panahon ng pandemya, ang salitang ito ay labis na kailangan. Marami na ang naghihirap, lalo na ang ating mga doktor, narse, at mga tao sa medikal na komunidad. Dahil dito, dapat tayong magtulungan upang mapagaan ang kanilang mga trabaho. Ang isa sa mga puwede nating gawin ay ang hindi paglabas sa bahay kung hindi importante.
Tayo ay mga Pilipino, ang pagtutulungan ay naka sulat sa ating dugo, at sa ating kasaysayan. Kaya naman, dapat tayong magtutulungan, para sa ating kinabukasan.
Explanation:
☺️