Pagsisikap: Tungo sa Tagumpay
Tatlong magkakapatid sina Bonbon. Bagaman hindi maituturing na mayamang pamilya, hindi ito naging hadlang upang tahakin niya ang daan ng tagumpay. Napalaki sila ng kanilang magulang na maging responsableng anak. Hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Minsan pinanghihinaan din siya ng loob sa hindi pantay na pagtingin ng isang mayaman sa mahirap. Subalit sinikap pa rin niyang maging matatag sa pag-aaral kahit alam niyang unti-unti siyang hinahatak ng mga kalaban sa Top Ten sa klase. Hindi man niya nakamit ang inaasahan niyang karangalan na ihahandog sana niya sa kanyang magulang, ang determinasyon naman niya na makapagtapos hanggang kolehiyo ang nagpatatag sa kanya para harapin ang matitinding pagsubok. Aral sa umaga, tulong sa mga gawaing bahay at kung minsan pagdedeliver ng bulaklak sa Araw ng mga Puso ang kanyang ginagawa maitaguyod lamang ang pamasahe araw-araw. Isang paraan para sa paggaan ng pagbabadyet ng ina nya sa pamasahe. Ang kanyang naipon kadalasan ay ibinibigay niya sa kanyang dalawang kapatid na pambaon sa eskwelahan. Dasal ang kanyang naging sandata upang harapin ang bagong umaga. Ngayon, isa na siyang matagumpay na kawani ng isang kilalang pribadong kumpanya. Ang kahirapan at hindi pantay na pagtingin sa gawad parangal ang piping saksi sa kanyang pagsisikap sa buhay.
1. Ano ang pangunahing pinahahalagahan ni bonbon upang malampasan niya ang pagsubok?
2. Ano ang nalinang sa kanyang pagkatao dahil dito?
3. Paano nagkakaugnay ang pinapahalagahan ng tao sa kilos o gawain niya?
Share
Answer:
hello madali lng namn yung tanong pwede na ikaw na ang sumagot basahin mo lng mabuti.