pagtalata
gumamit nang paghihinuha aa pag gawa nang talata tungkol sa pandemyang kinakaharap natin ngayon
pa tulong guyss
Share
pagtalata
gumamit nang paghihinuha aa pag gawa nang talata tungkol sa pandemyang kinakaharap natin ngayon
pa tulong guyss
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
A SPOKEN POETRY FOR FRONTLINERS :
Explanation:
"Pagpupugay sa Lahat ng mga Frontliners"
Kumusta kana?
Alam kong pagod ka.
Ngunit ninais mong ayaw magpahinga
Dahil marami pang buhay na dapat isalba.
Nakakatulog ka pa ba?
Kita ko kasing namamaga ang 'yong mga mata.
Na kahit hirap sa sinumpaang tungkulin
Minabuti mong maglingkod sa bayan natin.
Okay ka lang ba?
Sa bawat masasakit na salita nila.
Na kahit gusto mo silang murahin
Mas ginusto mong 'wag nalang pansinin.
Dahil batid mong ang 'yong ginagawa
Ay para din sa kaligtasan ng madla.
Kinikimkim mo nalang and sakit
At iniiyak ng palihim sa dibdib.
Nagsisi ka ba?
Na mas piliing paglingkuran sila.
Na dapat sa mga oras na ito
Ay kailangan ka ng pamilya mo.
'Ni 'di mo sila magawang mayakap
'Ni masilayan kung okay ba ang kalagayan.
At ang iyong bunsong anak
Umiiyak sa gabi pagkat ika'y hinahanap.
Tiniis mo ang lungkot sa gabi
Dahil 'di sanay na wala sa kanilang tabi.
Na kahit gusto mo ng umuwi
Ngunit dahil sa tungkulin kailangang manatili.
Natatakot ka ba?
Sa kalaban mong 'di nakikita.
Na tila nakikipaglaban sa dilim
Wala namang mahagilap sa kapal ng itim.
Na buhay mo'y laging nasa alanganin
Kakagiyera sa bangis ng COVID-19.
Na pwede ngayon, bukas, o sa hinaharap
Buhay mo'y posibleng makalas.
Kaya't saludo ako sa iyo kaibigan
Hinahangaan ko iyong kagitingan.
Marapat, isa kang tunay na bayani
Na sa baya'y dapat na ipagmalaki.
Kahit 'di pansin ng iba ang 'yong ginagawa
Marami kaming sayo'y nakatingala.
At huwag kang mag-alala dahil 'di ka nag-iisa
Pagkat kaisa mo kami sa pakikibaka.
Habang kami'y nasa tahanan
Lihim naming ipinagdarasal iyong kaligtasan.
At laging bukambibig sa Maylikha
Na sana pandemyang ito'y mawala.
At kung mangyari man,
Ikaw ang una naming kakamayan.
"A job well done kaibigan"
Salamat sa iyong kabayanihan.
Mapalad kami dahil may isang ikaw
Na inuuna ang iba ke'sa sariling pananaw.
At sa buwis- buhay na 'yong paglilingkod,
Kami'y tumatanaw ng isang malaking utang na loob.