pagtulong sa kapwa essay
Share
pagtulong sa kapwa essay
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
PAGTULONG SA KAPWA
Ang pagtulong sa kapwa ay isang mahalagang konsepto at kulturang pilipino. Sabi nga nila na ang pagtulong ay "kawang gawa" at naniniwala ako na ang tunay na pagtulong ay hindi naghahangad ng kapalit, Ito'y dapat manggaling sa puso.
Masarap sa pakiramdam kapag ikaw ay nakakatulong sa kapwa, mas lalo na sa mga taong malapit sa buhay mo gaya ng pamilya, kaibigan at mga taong nakapaligid sayo.
Ang pagtulong ay hindi lang sa pamamagitan ng pera o mga materyal na bagay pwede rin naman sa pamamagitan ng pagpapasaya, pagbibigay motibasyon at inspirasyon sa mga taong nangangailan nito. May iba't ibang paraan ng pagtulong.
Unang una sa simpleng pagsunod sa mga batas trapiko gaya ng pag tawid sa pedestrian lane at pagsunod sa ilaw pantrapiko. Hindi lang natin tinutulungan maging ligtas ang ating sarili,ngunit tinutulungan rin natin ang mga MMDA Officers padaliin ang kanilang trabaho.
Pangalawa, ay ang pag tulong sa mga taong tunay na nangangailangan tulad ng mga tao sa marawi, mga naging biktima ng bagyong yolanda at mga street childrens. Matutulungan natin sila sa simpleng pagbigay ng pagkain, mga damit at mga gamit pang araw araw.
Pangatlo, pwede tayo gumawa ng mga community service o mga charity events na nakakatulong sa mga nangangailangan. Gaya ng mga Charity concerts, Sa simpleng pag punta dito hindi ka lang magsasaya ngunit makakatukong ka rin. Lahat ng perang naipon ay ibibigay sa isang Foundation.
Pang-apat, Gamit ang mga teknolohiya pwede tayo tumulong. Bilang isang 21st century student pwede natin gamitin ang ating gadgets, Sa tulong ng internet pwede tayo makagawa ng grupo patungkol sa pagtulong sa kapwa, mga blog sites na nag aanyaya sa mga tao na tumulong.
Panghuli, Ang pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling oras tao at lugar. Pwede tayo tumulong sa paraang alam natin. Pag may nakita tayong tao na nahihirapan; kagaya ng pagtawid sa kalsada, nahihirapan mag solve ng math equation, nadapa o ano mang bagay wag tayo mag dalawang isip tumulong.
Maraming paraan para tayo ay makatulong, Hindi na mahalaga kung gaano man ito kaliit o kalaki. Ang mas mahalaga ay ang kakayahan natin tumulong sa kapwa. Sabi nga nila "Kung ano ang ginawa mo, ay babalik sayo" Kung maganda ang ginawa mo, Mas maganda ang babalik sayo. Ang pagtulong ay ating tungkulin ayon sa panginoon "Serving others is serving Him as well" Kaya tayo ay mag tulungan para sa magandang kinabukasan.
#hope its help❤️