Pagyamanin Natin
Gawin Ninyo
A.
Pumili at basahin ang buong talata na ito. Gawin ang nasa
ibaba ng talata.
Isa sa pinakamagandang tanawin sa Pilipinas ang Bul-
kang Mayon. Matatagpuan ito sa Legazpi,
Albay. Dinarayo ito
ng mga turistang galing sa iba't ibang bansa.
Sinasabing isang kababalaghan ang hugis balinsusong
nitong walang pingas. Kahit saan mang panig tingnan, hindi
nagbabago ang hugis nito.
Dating isang bulkang natutulog ngunit nang minsang
sumabog ito, daan-daang tao ang nasawi at nalibing nang
buhay sa kumukulong putik nito. Sa di-kalayuan sa bulkan
naroon ang simbahan ng Cagsawa. Natabunan ang simba-
hang ito at ang pinakamataas na bahagi lamang ng tore nito
ang naiwang saksi sa malagim na pangyayari.
Sa kasalukuyan, nagiging aktibo na naman ang Bulkang
Mayon.
Sagutin:
1. Alin ang itinuturing na isa sa mga pinakamagandang
tanawin sa bansa?
2. Saan ito matatagpuan?
3. Bakit sinasabing kakaiba ang bulkan na ito?
Share
Answer:
1. BULKANG MAYON
2. SA LEGAZPI,ALBAY
3.DAHIL ISANG KABABALAGHAN ANG HUGIS BALINSUSONG NITONG WALANG PINGAS. KAHIT SAAN MANG PANIG TINGNAN, HINDI NAG BABAGO AMG HUGIS NITO
Explanation:
SANA PO MAKATULONG:)