Pagyamanin
Ang bawat bilang ay may dalawang pahayag - X ay Y. Tukuyinkung tama o mali ang isinasaad ng mga ito. Gawing batayan ang sumusunod. Titik lamang ang isulat sa patlang.
a. ang X ay tama at Y ay mali
b. ang Y ay tama at X ay mali
c. parehong tama ang X at Y
d. parehong mali ang X at Y
1. X - Ang pagpapagawa ng mga tulay at daan ay nakatulong nang malaki sa pagpapabilis ng transportasyon at komunikasyon sa bansa. Y-Nahirapan ang mga Pilipino sa pagbili ng mga makabagong sasakyan at mga kagamitan para sa komunikasyon.
2. X-Sapilitan ang ginawang pagpapatanggap ng mga Amerikano sa relihiyon kanilang ipinakilala sa mga Pilipino.
Y- Naging malaya sa pagpili ng relihiyon ang mga Pilipino.
3. X-Binigyang pansin ng mga Amerikano ang pangkalahatang edukasyon. Y-Tanging mga mayayamang Pilipino lamang ang nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral ng libre.
4. X-Natuto ang mga Pilipino ng wastong pagpapanatili ng kalinisan sa sarili.
Y- Sa pamamagitan ng mga makabagong paraan ng panggagamot nasugpo ang pagkalat sa mga nakahahawang sakit.
5. X-Hindi yumabong ang panitikang nasusulat sa Ingles noong panahon ng mga Amerikano.
Y - Kakaunti lamang ang mga pahayagang sa wikang Ingles na nalathala noong panahon ng mga Amerikano.
Share
Answer:
1. c. parehong tama ang X at Y
2. b. ang Y ay tama at X ay mali
3. b. ang Y ay tama at X ay mali
4. a. ang X ay tama at Y ay mali
5. d. parehong mali ang X at Y