pahinge po ng short story tapos yung may aral po pls
Home
/
pahinge po ng short story tapos yung may aral po pls
pahinge po ng short story tapos yung may aral po pls
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang mga Arabo sa Disyerto
Dalawang magkaibigang Arabo ang naglakbay sa disyerto. Sa isang punto nagkainitan sila ng usapin; sinampal ng isa ang kaibigan. Nasaktan ang sinampal, ngunit walang kibo lang ito gumuhit sa buhangin, "Ngayong araw na ito, sinampal ako ng pinaka-matalik kong kaibigan."
Nagpatuloy sila sa paglalakbay. Nang matunton ang oasis, lumusong sila sa tubig at naligo. Naipit sa batuhan ang paa ng sinampal na kaibigan at humingi siya ng saklolo mula sa pagkalunod. Mabilis siyang niligtas ng kaibigan bago lumubog. Inukit ng iniligtas na kaibigan sa bato: "Ngayong araw na ito, sinalba ang buhay ko ng pinaka-matalik kong kaibigan."
"Bakit gan'un?" Tanong ng una, "Kaninang sinampal kita, gumuhit ka sa buhangin at ngayong iniligtas kita, inukit mo sa bato?"
Tugon ng kaibigan: "Kapag may nanakit sa atin, dapat isulat lang sa buhangin kung saan buburahin ito ng hangin ng pagpapatawad. Pero kung may gumawa sa atin ng kabutihan, dapat isulat sa bato upang matandaan natin at maipabatid pa sa iba."