PAKI SAGOT PO NG TAMA I BRAINLES KO PO LAYO PLS (;
Isang araw, may isang maliit na butas na lumitaw sa isang cocoon. Tamang-tama naman, may isang lalaking nakaupo sa malapit at pinagmamasdan ito. Nag-oobserba siya. Maraming oras ang nakalipas subalit walang kilos na nagaganap. Inaabangan niya ang paglabas ng paruparo mula sa cocoon. Hindi pa rin makalabas sa maliit na butas ang paruparo. Pilit niyang isinisiksik ang sarili sa butas subalit hindi siya talaga magkasya roon. Pagkatapos ng ilang sandali, waring tumigil na ito sa pagkilos. Waring sumuko na siya. Parang ayaw na itong gumalaw pa dahil sa pagod. Hanggang doon na lamang ang kanyang makakaya at wala nang magagawa pa. Kaya, nagpasya ang lalaki na tulungan ang paruparo. Dali-dali siyang umalis. pagbalik niya, may dala na siyang gunting. Buong ingat niyang ginupit ang cocoon. Ayaw niyang masaktan ang paruparo. Madaling nakalabas ang paruparo. Subalit nakita ng lalaki na malambot at napakaliit ng katawan nito. Kulubot na kulubot din ang pakpak nito. Nagpatuloy sa pagmamasid ang lalaki. Inasahan niyang sa anumang sandali, ang pakpak ng paruparo ay bubuka, lalaki at papagaspas upang makalipad. Masusuportahan nito ang katawang malambot at pagkatapos ay magiging matatag na. Ngunit hindi ganoon ang nangyayari. Sa katotohanan, sa buong buhay ng paruparo ay nananatili itong gumagapang, may malambot na at waring natutuyong katawan at nangungulubot na pakpak. Kailanman, hindi ito nagkaroon ng pagkakataong makalipad. Maawain at mabait ang lalaki, walang pagdududa roon. Subalit ang hindi niya nauunawaan, bunga ng kanyang kabutihang-loob, hindi nahusto ang paglaki ng paruparo. Ang maliit na cocoon at ang napakaliit na butas na ibig labasan ng paruparo ay kinakailangan upang ganap na mabuo ang pagkaparuparo nito. Ang pagsisikap ng paruparo na makaalis sa maliit na tirahan at makalabas sa napakaliit na butas ay siyang nagtutulak ng fluid ng katawan na tumuloy sa pakpak. Ang kulubot niyang pakpak ay unti-unting mababanat at magkakaroon ng sapat na lakas. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan kaugnay sa binasang teksto. 1. Ano ang naobserbahan ng lalaking nagmamasid sa cocoon? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Bakit kaya tumigil sa pagpipilit na makalabas sa maliit na butas ang paruparo? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Talaga kayang wala na siyang intensiyong kumilos? Ipaliwanag ang iyong sagot. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Naging maawain at mabait ang lalaki, tama kaya ang ginawa niya sa pagkakataong iyon? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 5. Kung sakaling pinabayaan na lamang ng lalaki ang cocoon, ano kaya ang posibleng mangyari? ___________________________________________________________________________
Share
Answer:
1. Ano ang naobserbahan ng lalaking nagmamasid sa cocoon?
2. Bakit kaya tumigil sa pagpipilit na makalabas sa maliit na butas ang paruparo?
Waring sumuko na siya. Parang ayaw na itong gumalaw pa dahil sa pagod
3. Talaga kayang wala na siyang intensiyong kumilos? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Meron intensiyong kumilos and paruparo pero pagod ito.
4. Naging maawain at mabait ang lalaki, tama kaya ang ginawa niya sa pagkakataong iyon?
Oo
5. Kung sakaling pinabayaan na lamang ng lalaki ang cocoon, ano kaya ang posibleng mangyari?
Kung sakaling pinabayaan na lamang ng lalaki ang cacoon maari mamatay ang paruparo.